IRENE “Welcome home young master,” Bati ng maids kay Jayem. Nandito kami ngayon sa mansiyon nila, dito raw muna kami titira sa loob ng anim na buwan naming kontrata. At kung paano ako nagpaalam kay Mama? Well simabi ko na na-assign ako sa malayong branch ng Mcdo. Tapos kailangan kong mag boarding house. Napakadami ko na talagang kasinungalingan kay Mama. Bumaling naman sa akin ang mga maid para batiin din ako. “Welcome home Mrs. Kim,” Sabi nila saka nag-bow rin sa akin. Mrs. Kim, ang lakas maka tita. Hindi ako kumportable at mas lalong hindi nagsi-sink-in sa utak ko na hindi na ako dalaga. Sinuklian ko ng ngiti ang mainit na pagbati nila sa akin. “Nakahanda na po iyong kwarto niyo young master,” Sabi noong maid na nasa late 40’s na yata ang edad base sa kanyang itsura. “Ako nga po pala

