"Grabe! Ngayon lang ulit ako makapunta sa orphanage," tugon ni Raymark, isa sa mga kasama ni Daniel. "Ako rin. Nakakalungkot isipin na nagkahiwa-hiwalay na tayo tapos nawalan pa tayo ng mabubuting founder na naging magulang na rin natin," sabi naman ni Thalia. Napatingin ako sa kanila gamit ang salamin at ngumiti ng bahagya. "I'm happy na mabuti ang mga pamilyang napuntahan ninyo," sambit ko dahil nalaman kong karamihan sa kanila o mas maiging sabihin na halos lahat ng mga bata sa ampunan noon ay napunta sa mga residente rito. I don't know how did that happen but I'm truly happy at panatag rin ako na nasa maayos na kamay ngayon ang mga minsang inalagaan nina mama at papa. "Sobra kaming naapektuhan noong mawala sina mama Leighka at papa Harold. Kung bakit naman kasi ganoon pa ang sinapi

