“Mommy I still don’t want to go home,” Glade said when we’re heading back to our house after naming ihatid sa airport si Glade. “Saan naman gusto pumunta ng baby ko?” tanong ko saka hinaplos ang kanyang ulo. “Anywhere mom,” sagot niya at dumungaw sa labas ng bintana ng kotse. “Let’s not go home yet mom,” mahina nitong sabi. Napabuntong-hininga ako. Hindi pa rin nakakalimot si Gelo sa mga nangyari kahapon. Naroon pa rin ang takot at galit na nararamdaman niya kina Cheena at Gogi. Gustuhin ko man siyang kausapin at ipaintindi sa kaniya na anuman ang iniisip niya o narinig niya ay hindi kagustuhan ng magulang pero ayaw ko rin na balewalahin ang nararamdaman ni Gelo lalo na’t bata pa ito. Anuman ang nararamdaman na pangamba o takot ng mga bata, dapat ay inalalayan natin sila hindi pinipil

