BB:6

1015 Words
"Kaya best friend sa wakas magkakasama na tayo mula ngayon. Dito na ako mag-aaral ang saya!" Ang sa isip ng dalaga ay napaka-sarap puknitin ng ngiti ni Sandira. Pero naisip niyang kaibigan niya ito kaya kailangan suportahan niya na lang. "Sino ba kasi 'yang nagustuhan mo?" tanong niya rito. Kagat ang labing nagsalita ito, "si, Kendrick Salvi." Kaagad na nangunot ang noo niya sa sinagot ng kaibigan. Mukhang naloko na talaga ang kaibigan niya. "Kendrick what? Nahihibang ka na ba Sandira? Naku! Binabalaan kita Sandira ah sobrang sungit no'n. Isang tingin pa lang plakda ka na," umiiling na sambit ni Alexis sa kaibigan. Maski siya ay nagugulohan ang sabi kasi nito sa Manila ito mag-aaral tapos ngayon. "Iba talaga kayong mag-isip mga mayayaman mapapa sana all na lang ako sa inyo," saad niya. "Kaya nga gustong-gusto ko siya. Siya talaga ang dream boy ko," kinikilig na sambit ni Sandira. Isa pa 'tong kaibiganniya na parang may taytok sa ulo. "Ah, ewan ko sa'yo. Sasabayan ko na lang si Merian mamaya na magdasal para naman maipagdasal ko ang kalagayan mo. Baka nga hindi pa uubra sa katigasan ng ulo mo," inus niyang ani sa kaibigan. "'To naman oh, parang hindi naman kita best friend niyan eh, nga pala asan si Merian?" himutok ng kaibigan niya. Hindi naman sa ayaw niya, hindi lang niya kayang makita ang kaibigan na nasasaktan. Knowing Kendrick, para iyong bato. "Nandoon sa kombento kasama ang superior nila alam mo na," ani niya. Napatango naman agad ito. "Ahy, nga pala.." nakangising sambit nito. "Oh, bakit?" nakataas ang kilay na tanong niya. "May kasama si, Kendrick baby ko tatlong gwapong lalaki. Balita ko pa nga 'yung isang parang may lahing Hapon at Arabo ay may nagugustuhan daw na isang Madre. Oh, how I wish sana ang kaibigan natin ang nagustuhan niya para naman hindi na siya magiging madre. Anong masasabi mo?" tanong ni Sandira sa kaniya. Mukhang si Reuchi ang tinutukoy nito. "Sinabi mo pa. Ipagdarasal na lang natin na sana magbago pa ang desisyon niya," ani niya. "Ako rin, sana maisip niyang magkaroon ng anak at magtikman ang sarap ng buhay may asawa," malungkot na saad ni Sandira. "And drama ha," komento niya, inirapan lamang siya ng kaibigan. "Uy, anong course ang kinuha mo?" tanong niya sa kaibigan. "Eh, ano pa? Siyempre kapareha sa kurso ng taong gusto ko." Kinikilig na sambit nito. At talagang magkahugpong pa ang mga kamay. "Be specific, Sandira," pairap niyang sambit. "Uy, english 'yun ah galing naman. business-ad ang kinuha ko kahit hindi ko naman alam ang mga lectures about Math. Pero para kay Kendrick baby titiisin ko ang nakalalaglag panty na equations," maarteng saad ni Sandira. "Same course tayo," ani ni Alexis. Okay na sana ang kaso lang baka hindi niya matancha ang kaibigan. Kilala niya ito. What Sandira wants, Sandira gets. "Talaga? Oh my gosh!" ani nito kunwari excited pero alam niyang alam na nito na magka-klase sila. An evil smile showed on her lips. Agad naman na nawala ang ngiti sa labi niya. "Anong binabalak mo ha Sandira? Ako'y wag mong mangiti-ngitian diyan. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa ngiting 'yan," ani niya at tinaasan ng kilay ang kaibigan. "Wala," deny ng dalaga. Napailing na lamang si Alexis at hinila na si Sandira papunta sa room nila. "Ms. Alonzo, you are late. Bakit ngayon ka lang?" istriktong tanongng professor nila. Taas noong pumasok si Sandira na hawak-hawak ang kamay ni Alexis. Ngumiti naman agad ito sa mga eatudyante at nginisihan ang Professor. "Hello po, Professor Kariktan I am, Sandira Nherraine Couverré Astrid. Sorry po kung na-late si Alexis sinamahan niya kasi ako." Mqlambing ang boses na ani ni Sandira. Para namang biglang naging jelly ace ang ekspresiyon ng Professor nila. Nawala ang pagka kunot noo nito at ngumiti kay Sandira. Nasira naman agad ang mukha ni Alexis. "'Tong kalbong 'to ang landi." Sa isip-isip ni Alexis pinapalamon niya ito ng Sampalok niyang pagkalaki-laki. Diretsong napaupo na lamang si Alexis at nakikinig sa pagpapakilala ng kaibigan. Nagsitahimik naman ang lahat nang biglang may pumasok sa room nila tatlong naggwa-gwapohang lalaki. Kilala niya ang mga ito. Nagsiingayan naman ang mga kaklase niya. Nandito na naman ang mga kolokoy. Akala niya kasi sa Manila na ito mag-aaral. "Tahimik class at kayo come in, introduce yourselves now. We'll start with you Ms. Sandira," ani ng guro. Katahimikan ang pumailanlang. Kitang-kita sa mga mukha ng mga kaklase niya ang paghanga. Pansin naman niyang naka-kunot ang noo ni Kendrick habang nakatingin kay Sandira. At ang kaibigan niyang sobrang kapal ang mukha ang laki ng ngisi at kinindatan pa ang binata. "Okay, again everyone I am Sandira Nherraine Couverré Astrid. I'm from Manila, ama ko si Ferdinand Astrid and mommy ko si Irene Couverré. I transfered here because nandito ang taong gusto ko. Girls back off gustong-gusto ko si Kendrick Salvi. Kaya ayaw kong may marinig na may magkakagusto sa kaniya or else ipapakain ko sa crocodile park namin dito. Okay, well so much for that 'yun lang." At ngumiti nang pagka tamis-tamis at talagang kinindatan pa. Siya lang ang nahihiya sa pinagsasabi ng kaibigan niya naiiling na umub-ob na lamang siya sa desk niya. Hindi niya talaga alam kung saan humuhugot ng lakas ng loob ang kaibigan niya. Hindi pa rin ito umuupo at nakatingin lang kay Kendrick. Napailing siya sa ginagawa ng kaibigan. Hindi paan niya lubusang nakikilala ang kambal pero alam niya sa sarili niyang delikado itong si Kendrick. "Ano bang espesyal sa taong 'to at gustong-gusto ni, Sandira? Maliban sa kumag biyang kambal na may sayad ito paniguradong sobra pa sa sayad. Pagtitiisan 'to ni Sandira hanggang matumba," iiling-iling na sambit ni Alexis. Napatingin si Alexis sa harapan at kaagad siyang kinawayan ni Seb. Ngumiti lamang siya nang tipid at nakinig sa pagpakikilala ng tatlo. Samantalang si Sandira naman ay hindi mapakali habang nakatingin sa love of her life niya. Hindi niya rin maintindihan kung bakit ang lakas ng epekto ngbinata sa kaniya. TBC zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD