Chapter Four

2031 Words
Lucien’s POV Matapos ang isang linggo na pagiging chef sa italian restaurant na pinagtatrabahuhan ko, hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking mga labi. Masaya at puno ng pasasalamat ang aking puso dahil sa tagumpay na ito. Kuhang-kuha ko raw ang mga lasa ng tinuro ng mga bihasang chef sa akin sa pagluluto. I am very happy with the compliments I received from the more experienced chefs I work with in the kitchen. I never expected that I would feel this peaceful and content. Magsasara na kami ngayon ng restaurant dahil alas diyes na ng gabi. “You did a great job in the kitchen, Lucien,” my boss said as I stepped out of the kitchen while taking off my uniform. Nagulat pa tuloy ako. Her eyes are filled with admiration for me. “The last dish I tasted earlier was so delicious! You delighted our customers, and I am truly grateful for your culinary skills. I’m really glad I allowed you to become a chef; I have no regrets in bringing you here.” “I am happy to hear that, Sir,” I said as my heart rejoiced at his praises. “I always strive to do my best and share my love for cooking with our customers.” Tumango siya at nagpaalam nang umuwi. Sumunod na rin ako sa kaniya dahil malayo-layo pa ang biyahe ko. Sa kusina, hindi ako napapagod, pero itong binibiyahe ko sa araw-araw, dito ako mas napapagod eh. As my colleagues here say, they advise me to get a condo or apartment nearby so I won’t have a hard time commuting every day. Gusto ko naman gawin ‘yun, kaya lang ay iniisip ko si Rocco. Baka kung ano na ang gawin niyon sa bahay ko at pati na rin sa buhay niya. Kahit ka-edad ko na siya, kailangan pa rin siyang gabayan dahil minsan, may sapak din talaga sa ulo ‘yun. Kaya magtitiyaga na lang din ako sa ganito. ** Sabado, wala akong pasok dahil ito ang araw ng day-off ko. Pahinga ko dapat ang araw na ito, pero walang ganoon sa buhay ko. “Manunuod ako mamaya, pare. Medyo male-late lang ako dahil dadaan ako sa bahay ng kakilala ko. Naimbita kasi ako dahil birthday niya,” sabi ni Rocco. What he’s referring to is my participation in the singing contest in the neighboring town later. It’s happening today, so I need to prepare as well. “Huwag kang uuwi ng lasing mamaya kundi sa labas ka matutulog,” paalala ko sa kaniya. Nakakainis kasi malasing ang isang ito. Kapag lasing siyang umuuwi ng bahay, nagkakalat siya rito. Palasuka kasi ang gunggong na ito kapag lasing na lasing. “Hindi nga, dahil manunuod pa ako ng singing contest mo,” sagot naman agad niya habang nagkakamot ng ulo. Siguraduhin lang niya, palagi kaya niya akong pinaglilinis ng mga nakakadiri niyang suka. Talagang makakatikim na siya sa akin kapag ginawa niya ulit iyon. Nang hapon na, nakagayak na ako. Nag-aabang na ako ng tricycle dito sa harap ng bahay namin dahil may dala akong maleta. Balak ko kasing doon na magbihis at mag-ayos ng sarili. Pagdaan ng isang tricycle, pinara ko na ito at saka sumakay doon. Malayo-layo ang tutunguan ko kaya malaki ang babayaran ko. Kung magbibiyahe pa kasi ako ng tatlong sakayan ng tricycle ay mabilis lang akong mapapagod. Kapag sasali ako sa singing contest, gusto ko kundisyon na kundisyon ang katawan ko. Para kapag kumanta ako, maayos at kaya kong kumanta ng matataas. Minsan kasi na sumali ako ng contest, tapos puyat at pagod ako sa biniyahe, ayun, natalo ako dahil napiyok ako. Latang-lata ako habang nasa stage kaya natututo na rin ako. After a few minutes, I finally arrived here at the town’s patio where I will be joining the singing contest. I saw that the stage was all set and the sound system operators were already setting up the sound system. Inabot ko na sa tricycle driver ang bayad ko at saka na ako tumuloy sa loob ng malaking kulong na tent na mayroon sa gilid ng stage dito. Pagpasok ko sa loob ay nagulat ako dahil tent pala ‘yun ng mga babaeng kasali rin sa singing contest. Napangiwi tuloy ako at bago lumabas doon ay humingi naman ako ng sorry sa kanila. Sa kabilang tent ako tumuloy. Tama na ang pinasok dahil mga lalaki na ang nadatnan ko roon. Gaya ng dati, karamihan talaga sa kanila ay hindi marunong bumati. Minsan mayroon namamati, pero sobrang dalang. Hindi ko alam kung bakit? Naghanap na lang ako ng puwesto ko para makapag-relax na muna ako. May bakanteng lamesa at upuan akong nakita sa may dulo. Dulo talaga ang napili kong puwesto para tahimik. “Talaga? Nakapasa ka sa isang singing contest ng noontime show sa LCS TV Network?” dinig kong tanong ng isang makeup artist na bakla sa kausap niyang lalaki na kasali rin sa contest. “Oo, nakatanggap na ako ng email kahapon. Ang saya nga dahil nasakto na special guest sa araw na ‘yun ang star ng LCS Network na si Melira Losande,” sagot naman nung lalaki kaya lalong napataas ang kilay ko. Hindi ko mapigilang makaramdam ng inggit sa kaniya. Mabuti pa siya, mami-meet na niya si Melira sa personal. Ako kaya, kailan? “Pero teka nga, totoo ba ‘yung kumakalat na may allergy daw si Melira?” tanong pa nung bakla sa lalaking inaayusan niya. “Na kapag nakakain ng pagkaing may bawang ay nakakaramdam siya ng libog?” “Oo, kalat din sa aming mga makeup artist ‘yun eh. Totoo kaya?” tanong pa ng bakla. “Naku, huwag kayong maniwala sa mga balitang ‘yun. Tiyak na mga basher lang ni Melira ang nagkakalat niyon. May ganoon ba? Kapag nakakain ng bawang, maglilibog? Ang tanga na mga nagkakalat niyon,” sabi nung lalaki kaya napatango ako sa kaniya. May point naman siya. Wala ngang ganoon. Pati tuloy ako ay natatawa. ** Oras na ng patimpalak. Sa harap ng salamin, tinitingnan ko ang aking sarili. Nakaayos na ako. I am wearing my favorite white barong, which seems to convey my determination to prove myself in this field. As I looked at myself, I felt some doubts creeping in. Hindi ko alam kung ako ba ay talagang handa, o kung kaya ko bang makipagsabayan sa iba pang magagaling na mang-aawit na kasali ngayon. Some of the contestants in the singing contest started singing earlier. I have already heard some of them, and I cannot deny that they are really talented. Mga bagong mukha ang mga kasali ngayong taon kaya nagulat talaga ako. Ngunit agad kong binalewala ang panghihina ng loob ko at pinalitan ng pag-asa at pagtitiwala sa sarili ko. Narinig ko na sa labas na pangalan at numero ko na ang binanggit ng host, kaya lumabas na ako ng tent. As I walk towards the stage, I hear the murmurs of people around me. Many are watching, and every time I gaze at them, I feel their support and encouragement towards me. Sa bayan na ito, kilalang-kilala na rin kasi ako sa dalas kong sumali sa pa-contest nila. Nakita ko na rin ibaba ng stage sina Rocco, Mick at Malik. Kumaway sila sa akin at sumenyas na galingan ko dahil nakasuporta sila sa akin. Nginitian ko na lang ang mga ito. Nakakatuwa rin na dumayo rin sila rito para panuorin ako. When I reached the stage, my heart started beating rapidly. Despite being accustomed to these kinds of contests, I still couldn’t avoid feeling nervous when I am in the middle of the stage. Kailangan kong manalo rito kaya tinanggal ko na ang takot sa aking isipan, at pinilit na magpakatapang at maging totoo sa aking sarili. Nagsimula nang tumunog ang minus one ko kaya huminga na ako ng malamim. Hawak ko ang mikropono, at nagsimula na akong kumanta. From my lips, my emotions and dreams emerged. I felt the music responding to my soul, and the joy in every note that I released. Nakita ko ang reaksiyon ng mga tao, lalo na ang mga kaibigan ko. Sa itsura palang nila, alam kong may laban na ako dahil parang nabighani sila nang magsimula akong kumanta. Kanina, maingay sila, pero ngayon, kalmado at halos titig na titig ang lahat sa akin. Many people applauded, and every time I hear it, I feel the success that cannot be compared to any achievement. Sa wakas, natapos na ang aking pag-awit. Maraming tao ang mas pumalakpak ng malakas at nagbigay-pugay. Tila ba ang lahat ng pagod at pag-aalala ay napalitan ng kaligayahan at pag-asa. Pagbaba ko sa stage, lumapit sa akin ang mga kaibigan ko. “Sure na win ka na, pare,” sabi ni Mick. “Oo nga, ikaw lang ata ang may emotion kapag kakanta. Kahit matagal na kitang naririnig kumanta, iba pa rin talaga kapag nasa stage ka na. Doon, mas lumalabas ang totoong galing mo,” puri ni Malik sa akin. “Totoo, parang recording nga ‘yung pagkanta mo kanina. Ang galing,” sabi naman ni Rocco na medyo singkit na ang mata dahil sa alak na nainom niya. “Salamat, salamat sa inyo. Sana nga ay manalo ako para may pa isang bote ako ng alak sa inyo mamaya kapag umuwi tayo,” sabi ko naman kaya natuwa silang lahat. ** I stand in front of the stage, my heart beating incredibly fast. It’s as if each beat sends waves of nervousness through my veins. I await the announcement of the winner in the singing contest, and every time I think that I might be the one to win, my anxiety intensifies. “Mga kaibigan, narito na ang pinakahinihintay nating pag-announce ng ating grand winner ngayong gabi!” sabi ng host. Ang boses niya ay tumagos sa bawat buto ko. Ramdam ko ang pagmamahal at suporta ng mga taong nanonood sa paligid. Marahil ay hindi lang ako ang nagdadasal na ako ang maging grand winner, marami rin sa kanila ang nagtiwala sa akin at sa aking talento. Ngunit kahit na alam ko na mahalaga ang tiwala ng ibang tao, ang pinakamahalaga sa akin ay ang tiwala ko sa sarili. Inalala ko ang lahat ng paghihirap at pag-aaral na aking inilaan para maging mas magaling na mang-aawit. Nang biglang umalingawngaw ang mga salita ng host, parang nalaglag ang puso ko sa lupa. “At ang ating grand winner ay si... Lucien!” I was surprised, and it felt like my hands went cold. I don’t know how to accept that news. I can't help but feel doubt and uncertainty. Naglakad akong patungo sa entablado, nangangatog ang mga tuhod ko. Tiningnan ko ang mga taong nagtitiyagang sumuporta sa akin, at ramdam ko ang kanilang excitement at kasiyahan para sa akin. Nagtatalunan at nagsisigawan din ang mga kaibigan ko dahil sa pagkapanalo. Sureball na ang isang alak na bote mamaya sa kanila dahil nanalo ako ngayon. When I held the trophy symbolizing success, I felt the weight of the responsibility that now rests on me. I need to prove to myself that I am deserving of this title. As my name was announced as the grand winner, I was truly overjoyed. Sa gitna ng kasiyahan at pag-aalinlangan, alam kong ang sandaling ito ay magiging isang pangalawang pagkakataon para patunayan ang sarili sa sarili ko. Hindi lang para sa ibang tao, kundi para sa sarili ko at sa mga pangarap ko. Ang pagkapanalo ay hindi ang dulo, ito ay isang simula ng mas malalim pang paglalakbay sa mundo ng musika. Sa gitna ng stage, sa harap ng mga tao, nilabas ko ang anting-anting na mayroon ako. After three years of consistently being just a runner-up, I finally became a grand winner again. Salamat sa ballpen ni Melira na napulot ko na habang kumakanta ako kanina ay nasa bulsa ko. Tunay nga na may dala itong suwerte sa akin. Kagabi, bago ako matulog, sinabi ko sa sarili ko na kapag nanalo sa contest na ito, tutuparin ko ang pangarap kong maging sikat na artista. Melira, this is a sign that I will see you soon. Wait for me because I will also become a star of LCS TV Network.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD