"Aren't you gonna go home yet, Audrey?" tanong ng senior manager ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko bilang marketing supervisor. Sumulyap pa siya sa kanyang rolex bago ako ulit tinignan. "It's almost eleven."
"Really?" I checked the time in my computer. "I didn't notice."
"Ikaw talaga. You're overworking yourself. Uwi na, Audrey."
Tumango na lamang ako at pinanood siyang lumabas bago ko iniligpit ang mga gamit ko. Nang kunin ko ang phone ko sa drawer ay sandamakmak na pala ang missed calls at chat ni Zon. He updated me when he was already home. Nagtanong din siya kung pwede niya ba akong sunduin. Kanina pa iyong alas sais kaya wala na ring silbi kahit na mag-reply ako.
I sighed and just put my phone in my bag before I left. It's been three years since we've lost Zed, at simula no'n ay masyado ko nang iginugol ang oras ko sa pagtatrabaho. Pakiramdam ko ay kapag narito ako sa kompanya, nawawalan akko ng pagkakataong mag-isip at makaalala. Hindi ko nararamdaman ang lungkot na hanggang ngayon ay nasa dibdib ko pa, ngunit habang inaabala ko ang sarili ko sa ibang bagay, hindi ko na napapansing nawawalan na rin ako ng panahon sa asawa ko.
Despite that, Zon never made a fuss about the changes in me. Inintindi niya lamang ako dahil alam niyang masakit sa akin ang nangyari. Hindi niya rin ako pinipilit na magkaroon na kami ulit ng anak. Instead, he went back to school and took up teaching units. Ngayon ay nagtuturo siya sa elementary school na malapit sa subdivision at itinuon na lang sa ibang bata ang kagustuhan niyang maging ama.
We're becoming busy with our own lives, but unlike me, Zon didn't shut me out. Ako lamang ang tila nawalan ng pakialam sa pagsasama namin habang siya ay araw-araw pa rin akong ginigising ng halik at matamis na ngiti. But despite all of my husband's efforts to cheer me up and help me move on, I became colder and colder as time passed by. Isang bagay na hindi ko man lamang napansin sa sarili ko.
Ipinarada ko ang kotse sa garahe at pumasok ng bahay. Kami na lamang ngayon sa bahay dahil nakakuha ng trabaho si Adler sa Quezon City kaya kinailangan nilang lumipat ni ate ng tirahan. Wala ring kaming katulong at si Zon ang mas gumagalaw sa bahay kapag wala siyang pasok. He did all of it to prove to me how much he loves me, yet I was too broken to even say a simple thanks.
Pagpasok ko ay naabutan ko ang asawa kong nakatulog na sa sala habang bukas ang TV. His lesson plans were scattered at the center table as if he was working while he's waiting for me.
Inilapag ko ang bag ko at tinapik siya sa kanyang balikat. Nang maalimpungatan siya at kaagad niyang ihinilamos ang mga palad niya sa kanyang mukha bago siya tumayo.
"Love, kanina ka pa?" he asked.
"Kadarating ko lang. Bakit dito ka natutulog?"
"I was waiting for you. Halika na. Kain na tayo," aniya bago niya hinawakan ang aking mga kamay saka siya ngumiti, tila may hinihintay na sabihin ko ngunit humugot lamang ako ng hininga saka ako pilit na ngumiti.
"Nag-dinner na kasi ako kanina sa office. Sorry."
Napawi ang kurba sa kanyang mga labi at gumuhit ang lungkot sa mga mata niya. "G--Gano'n ba? Sayang. Niluto ko pa naman 'yong paborito mo. I was hoping that we could share a dinner tonight since ang tagal na mula no'ng kumain tayo nang sabay. Besides, today is..." He looked away then breathed in deeply before he forced a smile. "Hindi bale na. You're probably tired."
Tumango na lamang ako at umakyat na. Naiwan naman siya sa ibaba para iligpit ang mga gamit niya. Nang makaakyat siya ay katatapos ko lamang mag-shower kaya lumapit siya at naglambing ngunit nairita lamang ako.
"Pagod ako, Zon. Next time na lang."
I knew he was disappointed with my response but he still managed to smile at me. "I understand." Humalik siya sa aking pisngi saka niya kinuha ang laptop niya at lumabas, siguro ay tatambay sa pool area at doon itutuloy ang trabaho.
At the back of my mind, I knew I was already being unfair to my husband. Siya na lamang ang palaging umiintindi kapag late akong nakakauwi o kapag wala akong ganang pansinin siya. Kapag gusto niya akong yayain ng date sa kabila ng pagiging busy niya sa trabaho, alam kong nasasaktan ko siya tuwing tumatanggi ako. Ngunit kahit na alam ko kung ano ang nagiging epekto ng mga ginagawa ko sa asawa ko, para bang hindi ko magawang kumilos upang makabawi. It was like I was trapped in my own body, and my heart was too numb for me to care about how he feels.
Sinuklay ko ang buhok ko bago ako bumaba sa kusina upang uminom ng gamot, Nasilip ko siya sa pool area na nakahiga sa sun lounger. His laptop was sitting on his lap while he's staring at the night sky as if he was thinking too deeply.
A part of me wanted to go out and apologize, but the bigger part of me told me to just let him be. Para bang kasabay na nawala ng anak namin ang kakayahan kong magpakita ng pagmamahal sa asawa ko, ngunit sa kabila no'n ay hindi siya nagbago. He became more patient and showered me with his love, but I was already numb to even appreciate his efforts to help me heal.
Imbes na lumabas ay nagtungo ako sa kusina upang kumuha ng tubig, ngunit nang madaanan ko ang dining table namin, napahinto ako sa paghakbang. There was a candlelight dinner that was set up for us, and on the round cake in the middle of the table were written the words that stabbed me in the heart.
'Happy 7th anniversary, my love.'
I froze on my spot. Nakalimutan ko na anniversary namin ngayon, gaya ng kung papaano ko nakalimutan ang birthday niya. Hindi ito ang unang beses na nangyari ito, at alam ko sa sarili kong ito ang dahilan kung bakit nalulungkot ang asawa ko.
My chest tightened. While he never forgot my birthdays and our anniversaries in the past three years since I started shutting him out, heto ako at hindi alam kung lalabas ba at pupuntahan siya upang bumati o magpapanggap na lamang na hindi nakita ang cake.
I swallowed the lump in my throat. For the first time, the little voice in my head that still cares for my husband, won against my ego. Kinuha ko ang cake at sinindihan ang kandila bago ako lumabas upang puntahan ang asawa ko. Nang maramdaman niya ang aking paglapit ay suminghot siya't mabilis na pinunasan ang basa sa gilid ng kanyang mukha.
"Love," tawag niya nang makaupo.
I did my best to smile as I showed him the cake. Basag niya naman akong nginitian saka niya ako iginiyang maupo sa kanyang hita.
Our eyes met before I greeted him. "Happy seventh anniversary."
His eyes glistened not with happiness but with pain, as if he knew I wouldn't even greet him if I didn't see the cake. Ngunit sa kabila ng sakit na gumuhit sa kanyang mga mata ay hinalikan niya lamang ang balikat ko saka namin hinipan ang kandila. Kinuha niya naman ang cake mula sa akin pagtapos at inilapag sa sunlounger. His arms then snaked around my waist before he spoke.
"Mahal na mahal kita, Audrey." Tila namaos ang tinig niya at ang mukha niya ay bumaon sa aking balikat. "Mahal na mahal kita..."
I ran my fingers onto his hair, and when he lifted his head to look at me again, I took the chance to kiss him on his lips. Humalik naman siya pabalik, ngunit nang madama ko ang pagdaloy ng kanyang luha, napahiwalay ako at nagtataka siyang pinagmasdan.
"What's wrong?"
Zon drew in a sharp breath. "Nothing. I'm just happy because I... missed us being this way."
Nakunsensya ako sa kanyang sinabi kaya naman nginitian ko siya habang pinupunasan ang kanyang luha. "How about we go to that resort you were talking about last month? Kukuha ako ng leave para makapag-out-of-town tayo."
Umaliwalas ang kanyang mukha. "Are you sure?"
I nodded. "How about next month?"
Gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. "I'll ask for a leave, too." His gaze drifted towards my lips. "But for now, can we..."
Hinaplos ko ng aking hinlalaki ang kanyang pisngi. "Let's go upstairs. I'm all yours tonight."