CHAPTER 4
PAGOD-na pagod akong umuwi ng apartment, Pinuntahan ko muna sila Eunice sa Bahay ng Landlady, kakatok palang ako ng marinig ko ang boses ng landlady ko
"Shhh, Uuwi na si ate Andy mo, nagugutom ka na ba?, Eunice uminom na ba ng gatas si Ella?"tanong ng landlady ko
"Opo,Kanina habang umiinom sya sa bottle nya umiyak nalang po sya bigla"napakunot ang noo ko, tuluyan na kong kumatok at ng bumukas ay ang landlady ko na buhat si ella habang umiiyak
"Good evening po,Ano pong nangyari kay ella?"tanong ko at kinuha si ella
"Ewan ko nga eh, baka panis na ang gatas na nainom nya kaya sya umiiyak"hinawakan ko naman ang tyan ni ella,matigas nga yun
"Sge po,ako na po bahala, Salamat po, Pasensya na po sa abala"tumango naman sya at inabot kay ella yung maliit na bagpack na dala nya kanina para sa gatas ni ella
Hinde alintana saakin ang bigat ni ella,nakahawak sa laylayan ng damit ko si eunice habang naglalakad kami papunta sa apartment ko, medyo malayo kasi ang bahay ng landlady ng apartment ko kaya kailangan pa naming maglakad ng medyo malayo
"Kumain na ba kayo ella?"tanong ko kay ella, hinawakan ko ang kamay nya ng patawid na kami
"Opo,Kumain na po kami pero si ella po,Hinde po sya nakakain dahil masakit po ata tyan nya"napatango naman ako
Binitawan ko si ella ng makarating kami sa tapat ng apartment ko, kinuha ko ang susi ng apartment ko kahit nahihirapan ay nabuksan ko din naman agad
Pumasok agad si Eunice sa loob ng apartment ko at nilagay nya sa couch yung bag na hawak nya at umupo sya dun, lumapit ako sakanya at umusog naman sya, hiniga ko si ella na umiiyak nilapag ko din ang bag ko sa lapag at tumayo
"Bantayan mo muna si ella ah,Hahanap lang ako ng Gamot para sakanya
Pumasok muna ako sa kwarto at nagbihis lumabas agad ako pagtapos at kinuha ang bag ko, nilagay ko sa couch yung bag ko at pumunta sa Med Kit ko, naghanap ako ng pwedeng gamot sakanya at saka ko lang na realize na hinde ko nga pala alam kung ano yung gamot sa sakit ng tyan
Kinuha ko ang phone ko sa bag at nag search ng pwedeng gamot sa tyan ni ella, duon lumabas ang isang Dalawang name na natandaan ko Alcamporado at Manzanilla, napatingin ako kay ella na umiiyak habang inaalo ni Eunice
" Paano ba to?"napahawak paako sa ulo, napatingin kami sa pinto ng may pumasok nalang bigla, napakunot ang noo ko ng makita ko si blair na pawis na pawis
"Anong nangyari sayo?"nakapa mewang kong tanong sakanya
"Hinabol ako ng aso"hinihingal nyang tanong, napairap nalang ako
"May gagawin ka?"tanong ko sakanya, ngumisi naman sya saakin kaya napakunot ang noo ko
"I am free, bakit?"makahulugan nyang tanong, napatingin naman sya sa couch ng marinig nyang umiyak si ella
"What happened?"tanong nya
"Yun na nga eh, masakit tyan nya at hinde ako pwendeng lumabas dahil walang magbabantay sakanila"sambit ko at nilapitan si ella at binuhat,inalo ko si ella
"Shh,Bibili na si ate ng gamot"pagpapatahan ko sakanya
"Anong gamot?, Ako na bibili"sambit nya habang nakalahad ang kamay
"Alcamporado at Manzanilla,Ikaw na magbayad mura lang yun"sambit ko
"Utang to ah, utang" sambit nya at lumabas ng apartment ko, naglalakad lakad ako habang buhat si ella
"Nagugutom ka ba ulit eunice?"tanong ko sakanya,nakaupo lang sya habang ang dalawang kamay ay nasa hita na parang nahihiya
"Kunin mo yung paper bag na dala ko at Meron akong pagkain dun, pasalubong ko yun"sambit ko,tumango naman sya at binuksan ang bag ko naghalukat lang sya ng konti bago ilabas ang box ng Red ribbon
"Buksan mo, masarap yan, pagtapos mong kumain mag toothbrush ka ah?,Baka sumakit ipin mo"tumango naman sya
"Ate masyado pong matamis"nahihiyang sambit nya natawa naman ako
"Oo nga eh, kaya kapag tapos mo uminom ka ng tubig at mag toothbrush"sambit ko
Naghintay pa kami ng ilang minuto ng dumating si Blair na may dalang supot, inabot nya yun saakin
"Bakit ang tagal mo?"tanong ko sakanya
"Nakalimutan ko kasi kung ano yan, demanding ka?"sambit nya at tinabihan si Eunice na kumakain, bigla nyang inagaw nya ang isang slice ng cake kaya nadumihan sya
" Eto para sa bata yan, kinakain mo pa"suway ko at naglakad papasok sa kwarto, narinig ko syang nagsalita pero hinde ko sya pinansin nilapag ko si ella sa kama ko
Kinuha ko ang laman ng supot at nakita ko ang kulay green na cover sa labs at may nakalagay dun na Manzanilla, Binuksan ko yun na amoy ko agad ang medyo mabango at medyo maanghang na amoy, naglagay ako sa kamay ko ng konti at inangat ko ang damit nya pinahidan ko sya sa tyan
Ng malagyan ko sya sinarado ko ang manzanilla at tinabi hinintay ko lang humupa ang iyak ni ella bago ako lumabas para maghugas ng kamay, napakunot ang noo ko ng makita ko si eunice na kumakain pero kalahati nalang yung buong cake Samantalang ang konti nya kumuha sa tinidor nya, tinignan ko si blair na sarap na sarap sa cake habang marumi ang kamay
Lobo na ang pisnge nya at meron pa syang balak na isubo galing sa kamay nya, lumapit muna ako sa sink at naghugas ng kamay pagtapos ko maghugas ng kamay ay lumapit ako sakanila
"Oy ang kapal ng mukha mo, ano yan?"sita ko sakanya
Magsasalita na sana sya ng bigla nalang syang tumayo at pumunta sa sink, sinuka nya lahat na nasa bibig nya, katakawan
"Ayan nababagay sayo, katakatawan mo,sinasayang mo yung pagkain"kunwaring galit na sambit ko, ng matapos syang mag m-mug ay hinihingal syang humarap saakin
"Sge teh, kainin mo, dba sayang kainin mo yung niluwa ko"sarkatisko nyang sambit kaya hinampas ko sya
Ibang iba talaga sya kapag sa trabaho at sa labas ng trabaho, dahil kahit ganon kami ka close ay hinde nya pinagsasabay ang closeness namin sa trabaho dahil nga sabi nya, ay baka daw makisabay ang mga katrabaho namin
Hinde rin naman nila alam na close kami ni Blair eh, ang alam lang nila ay secretary ako neto at ako lang ang nakakapag pasensya sa ugali ni Blair, Hinde nila alam na hinde nya lang ako masigawan dahil bukod sa kapatid ang turing nya saakin at magkaibigan kami ay nagagawa ko naman ang mga inuutos neto
Dahil kung i f-fired nya ako ay hinde sya makakahanap ng secretary na kahit hinde trabaho ng isang secretary ay ginagawa ko, dahil ako narin ang umaasikaso ng iba nyang mga ginagawa
Dahil nga bukod sa tamad syang pumasok lagi nyang dinadahilan na nandito naman ako para patakbuhin ang kompanya nya, na nandito naman ako para sumalo ng mga trabaho nya
"Tingin-tingin mo jan?"nakataas kilay na tanong nya umiling lang ako at inirapan sya, Tinalikuran sya at inasikaso si Eunice na hinde na makatayo dahil nasa hita nya ang box ng red ribbon,kinuha ko ang box at nilapag sa tabi nya
"Buka mo na ubusan yan, Uminom ka na ng tubig at mag toothbrush"sambit ko sakanya at tinulungan syang tumayo, lumapit sya sa ref at kumuha dun sa tubig, inayo ko naman ang pagkaka ayos ng box ng maayos ay tinakpan ko ulit at tumayo, naglakad ako papunta sa ref,umurong si Eunice kaya yumuko ako para ilagay sa Ref ang Box ng cake
Pagtapos ko ayusin ay tinawag ko si Eunice para linisan sya dahil nga ang dumi na ng damit nya ng dahil kay Blair na ngayon ay nakahiga nalang sa sofa na feel at home ang datingan,nakahiga pa ang mokong habang nag p-pindot sa phone nya,hinde ko sya pinansin at pumasok nalang sa CR kasama si eunice
Hinubad ko lahat ng saplot nya at nagpuno ng tubig sa balde ng makapuno ay kinuha ko ang tabo at nilagyan ng tubig,pinaliguan ko na si Eunice para komportable syang matulog mamaya
Ng matapos ko syang paliguan ay pinunasan ko sya at tinapis ang towel sa katawan nya,pinatay ko ang gripo bago sumunod sakanya lumabas
Pumasok kami sa kwarto at kinunan ko sya ng damit sa cabinet ko,ng matapos ay pinatuyo ko ang buhok nga bago sya humiga sa tabi ni Ella na mahimbing ng natutulog,pinatay ko ang lamp bago lumabas ng kwarto
Binato ko si Blair ng Unan, kaya napatingin sya saakin tinaasan ko sya ng kilay "Hinde ka pa uuwi?"
"Makikitulog muna ako dito" sambit nya at bumalik ulit sa pag p-phone
"Hinde ka kasya sa Sofa tanga"napatingin sya saakin dahil sa sinabi ko nakahawak pa sya sa dibdib na parang ang sakit ng sinabi ko
"Tinatanga mo nalang ako?,Hinde kita pinalaki para ganyanin mo ako"sambit nya pa, kumunot ang noo ko sakanya
"Umuwi kana sainyo" sambit ko pa
Hinde nya ako pinansin at tuloy lang sa pag p-phone,ng biglang may tumawag sakanya kaya napaupo sya sa sofa