Dalton
Pagalit kong hinubad ang aking suot na polo at saka na lamang hinagis sa laundry basket.
Biglang nalaglag doon ang maliit na papel. Tinatamad akong pulutin pero nang makita nang mas maayos kung ano iyon ay bigla akong napatayo.
Umiling-iling ako at saka inirapan ang papel na iyon. No!
But I got disappointed when I found myself holding the paper. Pinipitik-pitik ko pa ito nang wala sa sarili.
Parang naku-kuryente ko itong tinapon sa kama at saka tumayo at nagpabalik-balik.
This is my number. Send me your address and I’ll come to you later.
No, D. You are a man of your words.
Padabog akong naghubad ng aking mga suot at saka dumiretso na sa bathroom. I turned on the shower as I let the droplets of water pass through my naked body.
This is my number. Send me your address and I’ll come to you later.
Biglang nag-init ang aking katawan nang maalala ang babaeng iyon. Ang makinis at mahahaba niyang hita at ang dibdib niyang napakalusog na kapag lumalapit sa akin at sinasadyang idikit iyon ay talagang napakalambot. I can already feel like how it would feel in my palms.
Napahawak ako sa shower glass wall at saka hinayaang tamaan ng malakas na patak ng tubig ang likuran ko. Binilisan ko na ang pagliligo bago pa ako matuluyan at saka nagsuot na lamang ng bathrobe.
Nakita ko na naman ang calling card niya pagkalabas ko ng shower kaya halos magwala na naman ako.
Wait. Why are you letting yourself act like this, D? Parang sa tanga lang. This is not you.
At dahil natauhan na ako dahil sa katangahan ko ay kinuha ko ang calling card at saka inabot ang cellphone ko sa study table ko. I calmly typed her number and send her my address. It’s up to her if she will go here tonight or she will follow what we have talked about.
I am Dalton and I should not let myself overthink just because of girls. Si Dalton ako at hindi ako kailanman mamimilit. Wait again. Why am I like this if in the first place, ako naman ang nagsabi sa kaniya na sa weekend na lang.
At bakit ko naman naisipan bigla na gusto ko pala na ngayon?
I got disappointed with myself again. There is something inside me that’s missing and I felt like I need Rita. Napa-face palm ako nang ma-realize ang aking nasabi.
I need a good f**k right now. This is what I need and not her.
Nagintindi muna ako ng aking makakain ngayong gabi. Aside from being a chick hunter, I am also into cooking. Namana ko ito sa mommy ko na mahilig at masarap magluto. At dahil na rin mula pagkabata ko ay kami ang magkasama dahil busy si daddy sa business namin, ay ako ang katulungin niya sa pagluluto at paminsan, kapag hindi pwede, ay nanunuod na lang ako sa kaniya. As I grew up, I found my passion in cooking. And one of my goals is to build even just a small restaurant here in the Philippines. That is, when I am done achieving my goals in Australia after graduation.
I also believe na hindi naman minamdali ang lahat pagdating sa mga pangarap mo sa buhay. Hindi ka pwedeng mainip, hindi ka rin pwedeng magmadali. There is always a right timing for everything. Hindi mo man ma-accomplish ang isang bagay sa ngayon, kung nagpu-pursigi ka at pinagta-trabahuhan ito ay tiyak sa huli, makakamtam mo ito. I am focusing now on my studies. Schooling ang priority ko ngayon. I believe that education is very important and like me, who has the capability and privilege to study without worrying about financials, hindi ko dapat sayangin at balewalain. Seeing those students who are trying and working so hard just to pay for their tuition fees and graduate and those out-of-school youths who wanted to study but we're unfortunate made me push through. Isa ito sa mga dahilan ko kaya pinagbubuti ko ang pagaaral.
I can just drop my school and work in our company but it never really crossed my mind.
Kinuha ko sa ref ang chicken breast at saka kumuha ng tatlong itlog, arina at bread crumbs. I am going to cook fried chicken steak. Naalala ko na wala pa pala akong kanin kaya bago ko sinimulang i-prepare at lutuin ang ulam ay nagsalang na muna ako ng bigas sa rice cooker. Rice is life for me. Hanggang bukas na umaga ko na itong ulam. I can eat two plates of rice but right now, dahil magiging busy na sa internship, I need to control my rice intake.
Nang matapos kumain ay nagsepilyo ako at saka nagtungo sa aking kwarto para magpalit. I texted Miggy if he is up for joining me tonight at mabils naman siyang nagreply ng pass. Napatawa naman ako. Baka nandoon siya kina Ki ngayon o kaya ay may kailangan si Bryar. It would always be Bryar before anyone else. Before he will know what it is, alam ko na agad.
Napangisi ako at saka binuksan ang pintuan ng aking unit. Pagkababa ay binabaybay ko ang parking at nagulat ako nang makitang may nakaupo sa hood ng aking sasakyan. Sa mapuputi at makinis niyang legs kaagad ako napatingin. May suot siyang heels na naka-crisscross sa kaniyang binti at fitted na dress na pa-tube ang style at naalibadbaran kaagad ako dahil sa kulay nitong pula. She is really seducing every man even just by her daring outfit. But why do I care? Diba dapat matuwa ako at sexy ang nakikita ko ngayon?
“Hi, Mister Dalton Luisz!” masigla niyang bati at saka itinaas lang ang kaniyang kanang kamay nang hindi ito winawagayway. Tsss, pa-cool. Dapat ako lang.
Tinaasan ko siya ng kilay at saka naupo sa tabi niya. I crossed my arms over my chest and then look at her side.
“You sent me your address.”
Napangisi ako dahil sa nangaakit niyang mukha. “I did.”
Tumaas ang sulok ng kulay itim niyang labi dahil sa lipstick na suot. Masyadong maangas talaga ang babaeng ito. Nakakaasar!
“So, wanna have fun with me tonight?”
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nais ng babaeng ito dahil ang pagkakaalala ko dati ay hindi raw siya magpapatalo sa akin. Is she just trying to challenge me or what?
She is a cunning bítch and I can’t let her win with her stupid I don’t know game.
“I thought we agreed that it will be on weekends? I just sent you my address so that I won’t do it on weekends. Baka mawala ko pa ang number mo,” saad ko at saka tumayo.
“By the way, I am off to a bar.”
Pinindot ko ang button ng susi at saka nag-unlock ang pintuan. I opened the car door as I step my foot inside.
“So you are going to decline me?” At may pagtaas pa siya ng kilay na nalalaman at napansin ko rin ang mabilis na pagsimangot sa mukha niya.
Disappointed now, Rita? I am not that easy especially if you are really playing with me.
“You can’t call that declining. How can I resist someone as tempting as you, Rita? It’s just that my mind is about drinking and partying. I am not in the mood for that.”
Totoo talaga iyon. Kapag nawala ang mood ko sa isang bagay at may naisipan akong iba, gusto ko na iyon na ang gagawin ko at hindi ang nauna. Pakiramdam ko ay magkakasakit ako kapag hindi ko nagawa.
“Then let’s put you in the mood.”
Nalaglag ang panga ko nang pumasok siya sa passenger’s seat at nauna pa talagang pumasok sa akin. Gulat pa rin ako nang maka-upo na rin ako at nakatitig na siya sa akin habang nakangisi.
“Let’s party and get drunk tonight, Mister Dalton Luisz!”
I don’t have a choice but to drive. Mapapasubo yata ako sa babaeng ito.