IPINAGPASALAMAT ni Aryane na wala siyang nakasalubong pag-akyat niya sa silid. Sa totoo lang hindi niya alam kung magagalit o matutuwa sa inaasal ni Logan sa harap niya. He was acting like a jealous husband. Hindi naman dahil inalok siya nitong magpaksal sila ay puwede na itong umastang pag-aari siya nito. Does he forget she rejected the offer. Napabuntong hininga siya bago pumasok sa silid. Naabutan niya doon ang ina at si Timmy na nakatulog na. Mukhang naramdaman nito ang presensya niya kaya nagising ang ina niya. "Nakatulog na sa kakaantay sa'yo. " Sabi nito saka bumangon. "Kumain ka na ba, anak?" Tumango lang siya. Pero napatitig ito sa mukha niya. "May sakit ka ba ang pula nang mukha mo anak." Dinama pa nito ang noo niya. "Baka pagod ka lang magpahinga ka na." Anito saka lumabas na

