Chapter 5

1672 Words
ARYANE was sweating all over her body. Alas kuwatro pa lang ay lumabas siya para magjogging. Hindi siya nakatulog. Hindi na kasi bumalik si Logan sa bahay nila pagkatapos ng kasal nang kanyang kapatid. Nalaman niya sa ama nitong umalis itong kasama nang fiancee nitong si Natalie. At hindi niya maiwasang makadama nang matinding inis. Bagay na alam naman niyang hindi dapat. Kung bakit kasi boung durasyon nang dinner nila kagabi si Logan ang topic nang kanyang pamilya. Mukhang eager na rin kasi ang ama ni Logan na ipakasal na ito. Nalaman niyang tatlong ulit nang napo-postponed ang kasal nito kay Natalie. Dahil madalas rin palang umaalis si Natalie dahil sa trabaho nito sa New York. But she hate that thought nasa pagbalik ni Natalie ay laging nag-aantay lang si Logan para dito. Napahinto siya sa pagtakbo nang muntik na siyang matisod. Kaya sinipa niya ang naka-usling bato. Pero hindi gumalaw 'yon, kaya nasaktan ang paa niya. Napapadyak siya sa inis. Kung bakit kasi si Logan na lang ang laman nang kukute niya. "Masisira ang semento." Napapiksi siya nang marinig ang pamilyar na tinig sa likuran niya. Paglingon niya ay naroon si Logan. Mukhang nagjojogging rin ito. Ipinagtaka niyang naroon ito sa lugar nila sa ganung oras. Maganda ang subdibisyon para magjogging pero malayo ito sa bahay nito sa Manila. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya. Ignoring the pain on her foot. "Pati kawawang bato, pinatulan mo pa." Sabi nito sa halip na sagutin ang tanong niya. Sa asar niya ay iniwan na lang niya 'to. Pero maya maya lang ay nakikisabay na ito sa pagtakbo niya. "Bakit mo ba ako iniiwasan?" Napalingon siya dahil sa tanong nito. She had stop jogging, naglalakad na lang siya at nakigaya rin ito. "Talaga ba, hindi ko napansin, pasensya na." Aniya saka nginitian pa ito. Oo nga naman dapat hindi niya ito iwasan, dahil lalabas na hindi siya sports. What happened between them was her fault too. Kaya hindi niya dapat isisi dito ang lahat. In love siya dito noon, kaya pumayag siya. And she was happy back then. Kaya hindi siya dapat magalit. Maayos naman itong nakipaghiwalay sa kanya. Siya lang ang hindi maayos na umalis at hindi nagpaalam. "You left without a word, tapos babalik kang may kasamang bata. Ni hindi ka nga uma-attend ng graduation mo." Nang-aakusang sabi nito. "Ah--- I just don't want to miss my flight back then." Kibit balikat na sagot niya dito. "Kaya ba iniwan mo ang lahat ng bagay na ibinigay ko sa'yo noon." "OO, dahil gusto kitang kalimutan." lihim niyang saad. "Hindi ko naisip na kailangan kong kunin ang mga 'yon. Sana itinapon mo na lang." Kibit balikat na turan niya. "Itatapon lang. Ganun! Dapat talaga itinapon ko na." Kitang kita niya mula sa ilaw nang maliwanag na poste nang pagtangis nang bangang nito. "Bakit ba?" "You knew I hate people leaving me behind." Napaismid siya sa tinuran nito. "Bakit kay Natalie hindi ka nagagalit kahit iniwan ka niya." Angil niya dito. "Why do you have to question me, if I wanted to do something for myself?" She was trying her best not to burst out. " And besides we broke up, so what's the point of me staying with you." She paused. " Ah---my mistake. It wasn't the right word for us. Dahil hindi naman tayo. Hindi naman naging tayo." Ipinagdiinan niya ang mga salitang 'yon. "We're just fvcking buddy, right?" Kitang kita niyang natigilan ito. Kaya walang paalam na iniwan niya ito. Ipinagpasalamat niyang hindi na ito sumunod pa. NAIWANG walang masabi si Logan. He just end up watching her leave. Napaupo siya sa gilid nang sementadong daan. Ganun ba niya itinuring noon si Aryane para ganun ang isipin nito. His thought was filled with confusion. Nagliwanag na ang paligid nang bumalik siya sa bahay niya. Nabili niya ang bahay na 'yon dalawang taon na ang nakararaan. Dalawang palapag 'yon na may western architecture.. Malawak ang bakuran at may pool sa likod. At mayroon malawak na garage para sa kanyang denidesenyong kotse. Mahilig siyang magcustomize nang mga luma at old model na kotse. At marami na siyang naibentang unit na talagang maganda ang halaga. Hobby and passion para sa kanya ang car customization. He did that kapag stress siya. Naabutan niya ang kanyang katiwala na abala sa pagluluto. But he was not in the mood for breakfast. Kaya dumiretso siya sa kanyang kuwarto para maligo. He was done with his bath nang paglabas niya nang banyo ay nagriring ang cellphone niya. It was Natalie. Mukhang marami na itong tawag sa kanya. "Where are you?" Galit na bungad nito. "Bakit?" I went to your pad, pero wala ka doon. Ihinatid lang niya ito kagabi sa bahay nito saka siya muling nang biyahe pabalik nang Antipolo. "Busy ako ngayon, next time sabihin mo kung pupunta ka." Aniya dito. "At kapag sinabi ko naman sa'yo, sasabihin mo busy ka, my god Logan. Minsan lang akong nakakakuha nang bakasyon, as promised. Ginagawa ko naman ang usapan natin, but---" she start sobbing. Dahilan upang mapabuntong hininga siya. "Your trying to get back at me, are you?" Nang-aakusang turan nito. "Okay, I'm sorry. Tatawagan kita pagbalik ko." "And when is that," "Tomorrow." "You know I just missed you, Darling." Nagbago ang boses nito naging malambing na 'yon. "I'll call you, bye." Sa totoo lang pakiramdam niya hindi na ito ang Natalie na mahal niya noon. Every time he sees her kapag umaalis at babalik ito. Parang palayo na ng palayo ang loob niya dito. "Dahil walang ibang laman ang utak mo kundi si Aryane." Sulsol nang kanyang konsensya. "She was inlove with someone else." Sabi niya sa sarili. Sa isipin ay nakadama siya nang iritasyon. Aryane thought that he treated her just like a fvcking buddy. Pero hindi ganun ang iniisip niya noon. She was special to him too. "What did I ever done wrong to her!" Tanong niya sa kawalan. Sabay buga nang hangin. He did try to be honest with her, nagiguilty kasi siya noon dahil sa nangyari sa kanila ni Natalie sa Hong Kong. At magulo talaga ang utak niya. "Pero mas pinili mo si Natalie kaysa sa kanya." Pambubuksa nang kanyang konsensya. PAGDATING ni Aryane sa bahay ay naabutan niya ang mga magulang na nag-aalmusal. Her father was feeding his son. Mukhang maaga rin itong nagising. "Good boy, Timmy." Proud na puri nito sa apo nang maubos ang laman nang plato nito saka nito ginulo ang buhok nang bata. "Siguradong lalaki kang guwapo at malakas. You understand Lolo Dad?" Tumango tango naman ang bata. "Nainti-di-han ko po." Napangiti siya dahil doon. Sinanay niyang kausapin ito nang tagalog kahit nasa Canada sila. But Timmy had to answer her in English para hindi naman ito mahirapan makipag-usap sa mga batang di nito kalahi. Her son was such a bright kid. "Magaling talaga, how about you try to speak Tagalog from now on." Dagdag nang Lolo nito. Tumango naman ito. "Manang mana ka talaga sa mommy mo, napakatalino." "Sympre naman Dad." Singit niya. Saka tumabi sa ina. Panay lang ang ngiti nito. "If your done, you can play now, apo." Sabi nang ina niya dito. Kaagad naman itong kumilos saka nagpaalam sa kanila. "Wala ka pang sinasabi tungkol sa ama ni Timmy sa amin, anak?" simula ng kanyang ina kaya muntik na siyang masamid dahil doon. Akala pa naman niya hindi na magtatanong ang mga ito. "It's not something I want to talk about anymore, Mom. And I'm sorry if I disappoint you two." Sensirong sabi niya dito. "Wala namang problema anak, at least you stand on your own. Pero bakit hindi mo man lang sinabi sa amin. Kaya pala ayaw mong papuntahim kami sa Canada." Anang ama niya. "Hindi mo naman kailangan suluhin ang lahat, pamilya mo kami." "But were okay now." Aniya sa mga ito. "May darating tayong bisita mamaya. Actually, dapat matagal na kayong nagkakilala. Pero nag-migrate siya sa abroad. And I think his really interested na makilala ka." Paliwanag nang kanyang ina na ikinagulat niya. "You want me to date?" "Why not? He knows about Timmy." "Kung magkakasundo kayo its better. Mas gusto sana namin si Logan para sa'yo. But his engage already." Muntik na naman siyang masamid dahil doon. Gusto niyang maasar, sana pala noon pa nila naisip na ipakasal siya kay Logan. Pero alam rin niyang walang sinumang makakakombinsi kay Logan na gawin ang hindi nito gusto. Hindi siya ang babaing tipo nitong pakasalan. Bandang hapon nang dumating ang panauhing hinahantay nang mga magulang niya. Kaya tinapos niya ang pakikipagvideo call kay Krishna nang ipatawag siya nang mga magulang. At ganun na lang ang gulat niya nang makilala ang panauhin nila. "George." Hindi niya napigilang sambit, tumayo naman ang lalaki. Upang iabot sa kanya ang dalang bulaklak. Ito ba ang lalaking dapat niyang makilala. "Mukhang magkakilala na kayo?" Ang nakangiting sabi nang kanyang ama. Saka inalok maupo ang lalaki. Ipinaliwanag niyang nagkita sila sa plane at dati rin silang magkaklase nito. "Dapat pala sumama ako kila Mommy noong wedding." May panghihinayang na turan nito. "By the way I have gift for Timmy." Sabi nito saka inabot sa kanya ang dalang paper bag. Noon naman pumasok ang hindi niya inaasahang tao. Nagsalubong ang kilay ni Logan nang napatitig ito sa kanya at sa hawak niyang dalang bulaklak ni George para sa kanya. He look pissed. Mukhang galit pa rin ito sa ginawa niya kanina. Pero ano ba naman sa kanya. "Tamang tama, nandito na si Logan, sumabay ka nang magdinner sa amin hijo." Aya nang kanyang ina kay Logan. "Sure, Tita." "Tito Dad!" Sigaw na tawag ni Timmy dito nang makita si Logan. Dirediretso ito sa binata saka hinila ang kamay nito. Pero natigilan ito nang mapalingon sa direksyon ni George, mukhang nakilala nito ang lalaki. "Hello, Mister Sir." Bati nito kay George. Then pulled Logan into the house. "Later ko na lang siguro ibibigay sa bata. Thanks sa gift." Aniya. "Was that Logan Villaricio?" Seryosong tanong ni George sa kanya. Tumango naman siya bilang tugon. "So it was him." Makahulugang sabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD