****Flashback***** "MISS Sungit, ano 'yan?" Napapitlag si Aryane nang marinig niya ang boses ni Logan. Napakalapit kasi nito sa kanya. At pag-angat niya nang ulo ay bumanga siya sa ulo nito. Kapwa sila napadaing dahil doon. "Sorry, ikaw kasi?" Angil niya dito. Kaya sungit ang tawag nito sa kanya dahil madalas niya itong tarayan. Iyon lang kasi ang naisip niyang paraan para iwasan ito nang hindi napapansin ang lihim na pagtatangi siya sa binatang kaibigan nang kuya niya. Last year niya personal na nakilala si Logan nang minsang isama ito nang kuya niya sa bahay nila. Mula noon madalas na sa kanila si Logan. The first time she laid eyes on him, tumibok ang batang puso niya para dito. Pero dahil hindi niya kayang ipaalam 'yon, upang hindi siya tuksuhin nang kapatid niyang alaskador. Isa

