HINDI inaasahan ni Aryane ang panauhin niya nang umagang 'yon. Makilala niya sina Ruth at Diana ang mga step sister ni Logan. May kasama itong magandang ginang na may matangos na ilong katulad nang kay Logan. Hindi na niya kailangang hulaan kung sino ito.Ito ang ina ni Logan. "Sorry for the unannounce visit." Sabi ni Diana. Ipinakilala siya nito sa ina. Wala ito noong civil nila ni Logan dahil nasa Batanes ito at magkataong may sakit umano ito. Pansin niyang medyo may kapayatan ito pero hindi maitago na maganda ito noong kabataan nito. "I'm glad to finally meet you, Aryane." May kislap sa matang sabi nito saka siya niyakap. Noon naman bumaba si Logan mula sa private office nito. Halatang natigilan ito nang makita ang panauhin. "I thought your sick?" Formal na turan nito. Halatang hindi

