"NAHANAP mo na?" Tanong ni Miggy sa kanya. Naroon sila sa lawn nang bahay nila ni Aryane sa Antipolo. Doon sila nag-inum para presko ang hangin. Alam nito ang tungkol sa misyon niyang hanapin ang cellphone ni Aryane. Hindi pa rin siya natatahimik dahil doon. Ilang araw na siyang pasimpling naghahanap pero wala pa rin. "Ang galing magtago nang kapatid mo." "Parehas naman kayo magaling magtaguan nang feelings." Narinig niyang sabi nito. "What?" "Wala sabi ko hayaan mo na lang kasi. Magfocus ka na lang sa kung anong mayroon kayo. Mukhang nagkakasundo naman na kayo." Anang nito. Sabay tunga nang alak. "Bakit kasi hirap kang i-handle ang feeling mo?" "I'm trying pero madalas parang laging palpak" Inis na usal niya. "I just can't help it. Pero teka, kumusta 'yong napag-usapan natin tungk

