"HINDI BA masyado nang OA ang ginagagawa mo." Pinagsalikop pa ni Aryane ang braso sa harap niya. He cancel all his appointment dahil hindi rin naman siya mapakali nang tawagan siya ni Timmy gamit ang phone ni Aryane. Paalis na dapat siya para pumasok kanina . "Hindi ko kailangan nang hospital, okay. Kasalanan mo kaya ako nagkakasakit." Natigilan siya sa sinabi nito. Bigla siyang inataki nang guilt. Gusto niyang singhalan ito kung bakit siya ang sinisi nito. Pero iba ang lumabas sa bibig niya. "I'm sorry." Mabigat ang loob na usal niya. Kitang kita niya ang pagkagulat sa mukha nito saka ito ngumisi. "Guilty ka ba, biro lang 'yon." Na-aamuse na sabi nito. "Hindi kasi nakakatuwa ang biro mo." Pikong saad niya. "Lumabas ka na nga okay na ako. Lagnat laki lang 'to." "Huh. Asa ka pa. Bakit

