HALOS naluha-luha ang ina ni Logan nang makarating sila sa bahay nito sa Q.C as promised ay kasama nila si Timmy. Parang bilang nagliwanag ang mukha nito nang yakapin nito ang bata. "You do really look lile your dad. Timmy." Sabi nitong hinalikan ang bata sa noo. Yumakap naman dito ang bata na tila ba miss nito ang ginang kahit iyon pa lang ang unang pagkakataong nagkita ang mga ito. Napansin niyang parang nagiging emosyonal ang anyo ni Logan na pilit ngumiti. Walang pagdadalawang isip na nilapitan nita ito saka ikinapit ang kamay niya sa baywang nito. Tila naman ito nakahinga nang maluwag. Ayaw pa sana nitong pumayag kanina kaya napilitan siyang sabihin ditong may sakit ang ina nito. "Siguradong lalakas si Wilma kung lagi kayong dadalaw, hijo." May paki-usap na saad ng step dad nito na

