S.I.S.C. 34: RUSSELS (PART 1) MHARVY'S POV (Rosered) on the way na kami para ibalik si Kheina sa Daddy nya. ang kulit kasi ng batang ito, gusto daw sumama. as if namang pwede ko syang isama dun. kaya ayan, nagmumukmok sa gilid ng sasakyan at inaamo lang nila Amy at Michaella. "please na kasi.. isama nyo na ako.." pamimilit nya.. "hindi talaga pwede.. masyadong malayo at baka hindi ka payagan ng Daddy mo.." ani Amy. "hoy. bubwit ka.. kapag sinabing hindi pwede, wag kang makulit. babalikan ka nalang namin kapag natapos kami sa gagawin namin.." sigaw ko sa kanya. "eh bakit ba ayaw nyo akong isama? ano bang gagawin nyo?" tanong pa nya. "papatay kami ng halimaw sa Russels kaya manahimik ka na. baka ikaw ang ipakain ko dun.." singhal ko. mukha namang natakot sya dahil sumiksik sya sa li

