Chapter 24

1916 Words

NIAHM Hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa bahay. Ang bilis ng oras kapag kasama ko siya, hindi ko nga akalain na 2 AM na pala kami nakarating dito sa Village at malapit na ang bahay namin. Napatingin ako sa kanya nang hawakan niya ang kamay ko. “Ayoko pa sanang matapos ang gabi kaso kailangan na kitang i-uwi. Nangako ako kay Ivan na i-uwi kita kapag nagawa ko na yung plano ko.” Kwento niya sa akin. “Ano? Alam ni Kuya ito? So alam din ni Kuya na tayo na?” Tumango siya sa akin kaya napabuntong hininga na lamang ako. Ano pa nga bang itatago niya sa kuya ko eh magbestfriend nga naman sila. “Aasarin na naman ako noon.” Nakangusong reklamo ko sa kanya. “It’s okay, atleast boto siya sa akin diba?” “Sabagay…” usal ko. May bigla akong naalala na gusto kong tanungin sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD