Chapter Thirty Imbes na masayang hapunan ang kanilang pinagsaluhan ay napalitan iyon ng katahimikan. Walang umiimik habang kumakain. Tanging ang tunog ng pagnguya, ng paglunok, paghigop, pag- inom at mga kubyertos ang maririnig. "Ehem! How's the food? Ang presidential chef pa ang nagluto niyan. Very special dahil nagbalik na si Jon." Ang kanyang ate Abelle ang bumasag ng katahimikan. "It's great ate Abelle." Si Ervir ang sumagot. Hindi siya sanay na ate ang tawag nito sa kanyang ate imbes na madam. "Good to know na nagustuhan mo Jon." Saka bumaling sa kanya ang kapatid. "Ikaw Baby? Nagustuhan mo ba?" "Ah oo ate." Pag- sang- ayon niya. Ilang saglit pa ay nakaipon na siya ng lakas ng loob. "Ervir ano palang nangyari sayo noon?" She asked all of a sudden. Nagkatinginan sina Abelle at J

