Chapter Twenty Eight Akmang palabas na si Baby ng Malacañang nang biglang may humigit sa kanya. "Ate? Anong ginagawa mo rito sa labas?" Tanong niya sa humigit sa kanya na si Abelle pala. "Ni- report na sa akin ng isa sa mga security ang nangyari kaya kaagad akong bumalik sa bulwagan pero nakita kitang pasunod sa security sa paghahanap kaya sinundan na kita." Tugon nito. "Ate mapanganib dito sa labas. Presidente ka." Saka niya ito inaya pabalik sa loob. "Ako na ang bahala ate. Kailangan kong sumama sa kanila. Ang anak ko ate. Hindi pwedeng pati si Ervir Junior ay mawala sa akin. Hindi ko kakayanin ate." "Naiintindihan kita Baby. Kahit na sinong ina ay mag- aalala kapag nawawala ang kanilang anak. Ganoon din ako sa Pilipinas bilang kasalukuyang ina nito. Pero may mas matinding panganib

