Walang kahit sino ang gumagawa ng ingay sa cockpit at lahat ng kanilang atensyon ay nasa sariling ginagawa. Kaninang bumalik ang kanilang Boss ay agad nilang naramdaman na wala ito sa mood. Wala silang ideya kung bakit biglang parang may apoy na inilalabas ang katawan nito pagkatapos niyang bumalik sa kanyang cabin. Kung may kinalaman man si princess Lakshmi kung bakit bumalik siya na mainit ang ulo ay hula na lamang nila iyon. Wala namang kahit na sino sa kanila ang may lakas ng loob na kuwestyunin ang masungit na binata dahil sa takot nila sa kanya. Kahit ang magbiro nga ay hindi nila magawa maliban lamang kung wala siya, saka nila magagawang magbiruan na magkakasama. Kapag nasa malapit ang binata ay para silang mga langgam na takot maapakan ng higanteng tao. And looking at him now sit

