Chapter 19

1575 Words

Sumilip si Lakshmi sa training ground at inilibot ang tingin niya sa paligid. Sa halip na bilisan niya ang pagpunta roon ay ito at nagtatago siya rito para tignan kung naroon na ang binata. Pagkatapos niyang tumakbo kahapon ay nagkulong siya sa kanyang kuwarto at kahit pa kinatok siya si Valerie para kumain ng hapunan ay hindi siya lumabas. Hindi naman nila alam ang kanyang ginawa subalit 'pag naglalaro sa kanyang balintataw ang ginawa niyang paghaplos sa tagiliran ni Ares patungo sa kanyang baywang ay umaakyat ang dugo sa kanyang mukha at namumula siya na parang mansanas. Kanina nga na paggising niya ay hindi na sana siya pupunta rito para huwag makaharap ang binata pero tumututol naman ang kalooban niya. Nasanay siya na palaging nasisilayan niya ang binata sa umaga kaya bumangon pa rin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD