Part 9: Miguel's POV

1953 Words
Nakaupo na kami sa table at kumakain ng dinner. Sa dulo si papa at sa kanilang dulo naman si Kuya King. Nasa kaliwa ako ni papa at katabi si Cielo. Nasan kanan naman ni papa si Manuel at katabi si Richard. Katabi ni Cielo si Rex at katabi ni Richard si Paul. 8 kaming kumakain. "So kumusta school Miggy?" Tanong saken ni papa. "Ahhh okay naman pa. Kumusta naman po business trip?" "It was okay. Puro harot tong si Rex eh. Siguro kung di ka pala chix dun eh baka mas maaga kami natapo ng kuya mo" sabi ni papa kay Rex. "Dad, hindi naman. Sila lumalapit saken" pagmamayabang ni Rex. Kamukha rin namen tong si Rex, medyo totoy lang talaga kasi 15 pa lang. Kasing height ko pero payat kasi ayaw pa mag gym. Sakto lang naman katawan niya sa edad niya. "Nako, one nahuli ko yan nakikipaglandian sa kaedaran ko. Rex, iba ka!" Pang aasar ni Kuya King At nagtawanan kaming lahat. "Ikaw naman Manuel? Kumusta school?" Tanong ni papa Di pa nakasagot si Manuel at tumingin lang kay Richard. "Ahhh ehhh" "Don't tell me you're failing ah? Nako manuel sinasabi ko sayo ahhhh kapag..." "Ofcourse dad I'm not failing." At ngumiti na uli si papa. "Well good." At medyo awkward yung katahimikan ng oras na yun. "Ano ginagawa mo Richard? I mean do you play sports?" Tanong ni papa kay Richard. "Uh yes po, kasali po ako sa soccer team with Manuel" "Ohhhh nice. Eh how about you Cielo?" "Ahhh basketball team naman po hehe" "Nice. You know miggy gayahin mo si Cielo, sumasali ng sports event. Malay mo magaling ka pala dun" sabi ni papa "Oo nga kuya, join ka sa mga team at sana hindi pagpapanggap katulad niyo ni Jade" sabi naman ni Manuel. Nagulat ako sa sinabi niya. Bigla siyang nagsalita ng ganun. "Anong ibig sabihin nun Miggy?" Tanong ni papa at nakatingin lahat saken, s**t di ko alam sasabihin ko. Buti nalang nagsalita si Cielo. "Magkaaway po kasi sila ngayon, eh hindi po nagpapansinan. Ayun po na wag magpanggap na okay kahit hindi naman" Shit. Salamat Cielo. "Ahhhh. Ayusin mo anak. Okay?" Sabi ni papa At nakita kong nakatingin ng masama saken si Manuel. Mukhang galit. Ewan ko kung bakit. . . . Natapos na yung dinner at niligpit na ni Paul. Minsan siya rin naghuhugas ng pinggan kapag marami pero kapag konti, ako o si Rex lang. Lumabas kami ni Cielo at nagpahangin. Pumunta kami sa tapat ng gate. At umupo kami dun. "Sarap ng dinner niyo. Mukhang intense workout na naman ako neto bukas dahil sa dami ng nakain ko haha" bungad ni Cielo. "Hey, can I ask you something?" Seryoso kong sabi. Tumingin siya saken at ngumiti. "Ano yun?" Napatitig lang ako sakanya at ang gwapo niya talaga. Ewan ko ba nakakainlove kagwapuhan niya. "Wala nevermind hehe" sabi ko. "Alam mo kung may gusto ka talagang itanong, sasagutin ko sige. Basta wag lang math ah? Hirap ako diyan hehe" sabi pa niya "Haha tuturuan na lang kita ng math kung gusto mo" "Ay oo nga tama!!!" Bigla niyang sinabi. "Sabihan mo lang ako" "Nakakatuwa kasi yung kwento nila dad at papa ganyan. Tutor ni dad si papa. Tapos ayun. Nakakatuwa" Bigla na naman siyang natahimik. "Sooooo. Mukhang di kayo magkasundo ng kambal mo ah?" Sabi ni Cielo. "Ahhh eh oo. Parang ewan. Biglang nagalit. Kausapin ko na lang mamaya" At natahimik kaming dalawa. Tinitignan ko siya habang nakatingin siya sa langit. Tinitignan ko kung gaano niya kagusto yung langit. "Nakakaasar. Wala man lang stars dito no? Buti pa sa Zambales" "Ahh taga zambales kayo?" "Hindi, palagi lang kami nandun pag uuwi si dad. Marine kasi si dad kaya everytime na uuwi siya, hindi pwedeng hindi kami pupunta dun." "Awww. Ang sweet naman pala ng family niyo no?" Tanong ko sakanya Pero bigla na lang bumuhos yung ulan. Kaya pala walang stars kasi uulan ng malakas. Dali dali kaming pumasok sa bahay. "Basang basa agad ako" sabi niya. "Ako nga din eh hehe sorry ha?" "Bakit ka nagsosorry? Ang saya nga kung maliligo tayo eh" "Gabi na kaya, ano? Gusto mo?" Tanong ko sakanya. "Haha tara!" At nagtinginan kami at nagtawanan. Naghubad siya ng shirt niya at pants. Naka shorts siya at naka sando. Argh. Kailangan ko pigilan nararamdaman ko. Naghubad na rin ako at nagshorts at sando at lumabas kaming dalawa. Ang lamig ng hampas ng ulan sa katawan ko pero nangingibabaw yung tawanan nameng dalawa. "Hahaha nageenjoy ka ba?" Tanong niya "Hahaha nilalamig ako ehhh" "Gusto mo na pumasok?" "Oo eh, okay lang?" "Haha osige tara na nilalamig na rin ako" At inakbayan niya ako papasok sa loob. "Haha malamigin ka pala eh" Pero bago pa ako makasagot nakita kong bumaba si papa at gusto akong makausap. "Miggy anak, halika dali" parang excited na excited si papa sa sasabihin niya. "Teka bat basang basa kayo???" Pahabol ni papa. "Ahhh eh, naligo kasi kami ni Cielo" sabi ko naman. "Migs, san pwede makiligo?" Tanong niya saken. "Ah dun ka sa kwarto ko na lang. Sa taas tapos yung kulay blue na pinto." Sabi ko At umakyat naman na siya dala yung mga damit niya. Humarap ako kay papa para kausapin siya. "Ano yun dad?" Tanong ko "Nahuli ko si Manuel, sa kwarto kasama yung Richard na hubo't hubad." "Dad ano ba yan!" Napasigaw pa ako "Sorry anak, alam ko nandididiri ka sa ganun pero nakakatuwa lang. Lumalaki na kayong dalawa. Siya si Richard, ikaw kay Jade. Sobrang nakakaproud" at niyakap ako ni papa. Nakakaiyak lang kasi kapag si Manuel, okay na okay pero pag ako feeling ko di ako matatanggap ni papa. Minsan napapaisip ako na sana ako na lang si Manuel eh. "Sige dad, maliligo na ako ah?" Paalam ko kay papa Naiisip ko pa lang kung paano yung trato samen ni papa, naiiyak na ako. Kaya inisip ko lahat ng bagay na magpapasaya saken sa ngayon, si Cielo. Umakyat na ako sa kwarto at nakita ko sa labas ng kwarto niya si Manuel, may kausap sa phone. "Ah oo andito pa siya eh." "Hindi ahhhh." "Sige bye" At nung nakita niya ako tinignan niya lang ako. "May problema ka ba saken Manuel?" Tanong ko sakanya. "Hindi kuya, sorry kanina. Kasalanan ko." Nagulat ako sa inasal niya, akala ko aawayin niya ako. Pero hindi. Ngumiti ako at niyakap ko siya. "Magkwento ka saken about diyan sa Richard na yan ah" sabi ko sakanya "Ikaw din, magkwento ka about kay Cielo ah" sabi niya Nakakatuwa naman yung ganitong feeling na bati kami ng kambal ko. Kaya pumasok na siya sa loob at pumasok na rin ako sa kwarto ko. Bumungad saken si Cielo na nakahubad at nagpupunas ng buhok niya, as in wala siyang suot. Ang tambok ng pwet niya at ang kinis talaga ng kutis niya. "Nakatitig ka na naman saken" sabi ni Cielo at para akong binuhusan ng tubig nung napansin niya. "Ay sorry" Humarap siya saken. Magkatapat mukha namen pero inabot niya yung door knob at sinara yung pinto. Ni lock rin niya. Nakasandal na ako sa pinto at naka titig lang siya saken. "Ano naiisip mo ngayon?" Tanong niya saken. "Ahhh wala, wala." Medyo nauutal kong sagot. "Talaga? Ayaw mo man lang ba akong hawakan?" Tanong niya saken. Napalunok na lang ako ng laway. "Umulan na naman ng malakas. Ang lamig. Baka gusto mo..." habang sinasabi niya yun gumagapang kamay niya sa leeg ko. s**t. Kinikilibutan ako. "...magpainit" sabi niya saken ng harapan. Ang bango ng hininga niya, bagong toothbrush rin siya. Bigla niyang hinawi pataas buhok niya, tumitig sa mga mata ko at aktong hahalikan ako. s**t, first kiss ko na to. Palapit na mukha niya, nakapikit siya habang palapit. Napapikit na lang ako at naramdaman ko yung ilong niya na tumama saken. s**t malapit na. Pero bigla ako bumahing sa mukha niya, "Achoooooo!!!!" Tumawa nalang siya at nagpunas ng mukha. "Shocks, sorry. Sorry" sabi ko habang pinupunasan ko mukha niya. Kinuha ko yung tissue sa gilid ng kama ko at inalok sakanya. "Hehe okay lang" sagot niya. "s**t, sorry sorry. Talaga" at umupo na kaming dalawa sa kama. "Sign yun na wag na natin ituloy haha" bigla niyang sinabi. Sayang naman. "Hehe magbihis kana." Sabi ko sakanya. At tumayo siya para magbihis. Sinuot na niya uli shorts niya, buti may dala siyang extra brief, at pinahiram ko siya ng TShirt. Umupo uli siya sa kama at nag usap kami. "Di ka ba uuwi?" Tanong ko sakanya. "Di ko nga alam eh. Ang lakas kaya ng ulan, ayoko mag drive mamaya kung mapano pa ako. Di ka man lang ba nag aalala saken?" Medyo patampo pa niyang sabi. "Ay sorry. Inaalala ko lang baka pagalitan ka sainyo" Pagkasabi ko nun bigla siyang may tinawagan. "Hello papa. Opo, andito ako sa bahay ng kaibigan ko ang lakas po ng ulan eh. Magpapatila lang tapos uuwi na rin po ako" "Si Miggy po" Tapos inabot niya saken yung phone. "Gusto ka raw makausap ni daddy at papa" Kinuha ko yung phone. "Hello po?" "Wow, hi miggy dalaw ka naman uli dito sa bahay. Di ka namen masyado naentertain eh" "Oo nga, pumunta ka ah" Dalawang magkaibang boses yun pero parehas lalaki. Nakatingin lang saken si Cielo at nakangiti habang kausap ko parents niya. "Ahh osige po hehe" At binigay ko na uli yung phone. "Hello, hahahaha. Si dad talaga." "Opo dad," "Hehe sige dad" "Opo papa" "I love you too opo. Bye" At binaba na niya. "Oh? Okay na ba?" Tanong niya At ngumiti ako. "Alam mo mas cute ka pag nakangiti" sabi niya saken. "Ano bang problema mo? Bakit ganyan ka umasta?" Di ko alam bakit ko nasabi yun, "Anong ganito?" Tanong niya "Kasi ang sweet mo. Tapos parang di ka aware na sweet ka." "Hala? Sayo lang naman ako ganito" sabi niya pa. At ngumiti siya. Tangina kinikilig ako ng mga oras na yun. "Ayaw mo bang ganito ako?" Tanong niya saken. "Ayaw ko lang dumating yung panahon na hanap hanapin kita tapos bigla kang mawawala" "Para kang si papa mag isip. Ganyan yan eh. Pero ang mahalaga naman sa ngayon masaya ako. Ikaw masaya ka ba?" Tanong niya saken. "Oo sobra. 2 days pa lang tayo magkakilala pero parang ang tagal tagal na" "2 days mo na akong kilala pero ikaw halos isang taon na, after mo sumali sa pageant nun naghahanap na ako ng tyempo makausap ka" sabi niya "Bakit naman ako?" "You seem nice kasi, and I like nice. Ngayon nakilala kita, nice ka nga. So, nice!" At ngumiti na naman siya, nakakaasar. Ang gwapo niya kasi talaga. "Yung mga katulad mo, bihira lang" sabi ko. "Aba kaya dapat ingatan mo ko" at nagtawanan kaming dalawa. Sobrang lakas pa rin ng ulan. Biglang may kumatok sa pinto, tumayo ako at pinagbuksan ko. "Dad" sabi ko. "Miggy, sobrang lakas pa rin ng ulan. Yung kasama mo okay lang ba kung dito na matulog?para naman kampante akong safe sila" sabi ni papa "Ahh opo. Kakatawag lang po niya sakanila" "Osige, bahala ka na ah. Matutulog na rin ako" sabi ni papa at sinara ko na yung pinto. Nakahiga na ako at nakatingin sa kisame. Nakahiga na rin siya at nakatingin sa kisame. "Di ka ba sanay na may katabi?" Tanong niya saken. "Oo eh pero okay lang" "Gusto mo sa sahig na lang ako?" "Hindi ano ka ba, dito ka lang" At ngumiti siya, nakita ko reaksyon niya. Tumingin siya saken at nagkita mga mata namen. "Ano ba nararamdaman mo?" Tanong niya saken. "Pagod. Gusto ko na matulog. Pero nilalamig kasi ako eh" sabi ko naman. "Napakalamigin mo no?" Tanong niya "Oo pero sobrang lamig talaga." "Hindi naman masyado ah" sabi niya Ginaw na ginaw talaga ako kaya nagkumot ako at napayakap dun. "Okay ka lang?" Tanong niya saken Hinawakan niya ako kasi nanginginig ako sa lamig. "f**k ang init mo nilalagnat ka!!" Sabi niya. At niyakao niya ako ng mahigpit na mahigpit. Di ko na alam sunod na nangyari kasi nakatulog na ako. Pero ang sarap ng init ng katawan niya. . . . Nagising ako kasi may kumakalabit saken, literal na kumakalabit. Pagmulat ng mata ko nakayakap pa rin saken si Cielo na tulog na tulog. May plangganang maliit sa gilid ng higaan at may pamunas sa ulo ko. Medyo nahihilo ako. Nagising ko rin si Cielo sa pag gising ko. "Uhm okay na, di mo na ako kailangang yakapin" sabi ko sakanya. "Gusto kitang mayakap eh. Ang sarap sa feeling pag kayakap ka" sabi niya yun habang nakapikit pa. Ang cute! "MAY GANUN?!" Sigaw ng boses na babae. Tinignan ko kung sino. Si Jade! "Pano ka nakapasok bes?" "Ang tanong bes, sino siya ha? Bakit wala ka ng pagkwento? Dalawang araw lang akong nagkasakit, may kayakap ka na sa kwarto mo" sermon niya saken. At nagising na rin si Cielo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD