"Mga bwiset kayo!" Binigyan ni Alfredo ng flying kick si Jared. "Pumayag talaga kayong kasamahin ni Lola sa plano n'ya?"
"Sorry pre," si Lenard na tawang-tawa parin. "Pinagseselosan pa ako ni Alfredo. Isang malaking karangalan na malaman 'yan," pang-aasar pa nito.
"Pasensya na pera-pera ang labanan haha. Half-half kami ni Lenard sa hatian."
"Pero kaybigan nyo ako mga bwiset kayo!" Inis na sigaw niya sa dalawa.
"Dapat nga mag thank you ka pa samin kasi nagawa mong umamin pati sa sarili mo. So, now ang kaylangan mo nalang gawin ay kung paano rin magiging parehas ang nararamdaman ninyo sa isat-isa." Si Jared na nakapangalumbaba pa. "At tu-tulungan ka namin diyan!"
"No need, ano ako hindi marunong dumiskarte?" Napapalatak pa s'ya. "Gwapo ako, madali lang n'ya akong magugustuhan."
"Bilib na bilib sa sarili, ekis kana agad kay Charm." Naiiling na sabat ni Lenard. "Sinabi niyang hindi n'ya kaylan man magugustuhan ang lalaking sumobra sa tiwala sa sarili at bilib."
"Dapat ba baguhin ko sarili ko?" Sarkastikong tanong n'ya.
"Not all, 'yung pagiging hamborger lang." Sagot ni Jared.
"Yeah, hambog haha." Sabat ni Lenard bago nag peace sign ng samaan niya ng tingin.
"Sa pananamit mo at istilo, okay naman."
"Pero mas okay kung magiging simple tulad ng makalumang style." Suggestion ni Lenard.
"Si Jose rizal nalang kaya pakasalan n'ya?" Pamimilosopo ni Alfredo.
"Suggestion lang naman." Bulong ni Lenard bago itinikom ang bibig.
"Ibinubugaw nyo ba ako kay Charm?" Yamot na tanong ni Alfredo.
"Oo, kasi torpe ka kunware ka pa. Kami na magiging kupido at mag sasa-ayos ng date ninyo," kinikilig na sabi pa ni Jared.
"Mas kinikilig ka pa sakin e, ikaw nalang kaya?"
"Pwede naman," nakangising sagot ni Jared.
"Subukan mo," sinamaan niya ng tingin ang kaybigan. "Lulumpohin kita." Banta pa ni Alfredo bago napahilot sa sentido. "Hindi dapat ako nandito, kainis. Uuwi na ako. Tantanan nyo na ako kaya ko na ang sarili ko."
"Binata na talaga s'ya," napa akbay pa si Jared sa kaybigang si Lenard.
"Para namang hindi natin alam sekreto n'ya." Natatawang bulong ni Lenard. "Nginse na s'ya nung tinuli kasi takot s'ya."
"Ang mahalaga naman natuli parin s'ya." Sagot ni Jared.
Samantala ang dalagang si Charm ay puno parin ng pagtataka dahil sa biglang pag-alis ng binata.
"Mag bihis ka."
Napalingon si Charm sa binata na kadarating lang.
"Bakit?" Takang tanong niya.
"Basta," tipid na sagot ng binata kaya naman hindi na inabala pa ni Charm na mag tanong ulit.
Pansin niyang seryoso ito at ayaw makipag usap kaya hinayaan na n'ya.
"Alam ba ni Lola Felicia na aalis tayo? Sinabi kasi n'ya sakin na ngayon daw ang araw na uuwi ang--"
Hindi na s'ya pintapos ng binata. "Alam n'ya na isasama kita nag text na ako. About sa parents ko may susundo naman sakanila mamaya."
"Ganun ba," napatango si Charm.
Wala siyang idea kung saan sila patungo pero dahil may tiwala parin s'ya sa binata ay tumahimik na lamang s'ya at nag masid na lamang sa nadadaanan ng sasakyan.
"Ang g-ganda."
Mangha sa gulat si Charm ng masulyapan ang puro bulaklak na design habang sa gitna at may table for couples.
"Pansin ko na gusto mo ang bulaklak kaya naman naisip ko na dalhin ka dito sa lugar na 'to. Nag search lang ako sa internet so, my friend recommend me this place." Paliwanag ni Alfredo.
"Nagustuhan ko, thank you sa effort."
Tila ba hinaplos ang puso ng binata dahil sa sinabi ni Charm. Napaiwas ito ng tingin sa dalaga dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili na mahalikan na naman ito.
Naupo na sila. Naalala ni Alfredo na hindi pa nga pala niya napupuri ang dalaga sa suot nito na simple ngunit angat na angat ang kagandahan nito.
"Ang ganda mo," sambit n'ya bago napatingin sa waiter.
Nakausap na kasi niya ang may ari ng lugar. Mabilisan lang ang reservations, may kamahalan nga lang.
"S-salamat." Nahihiyang wika ni Charm.
"Naninibago ako sayo." Basag ni Charm sa katahimikan na bumalot sakanila.
Tahimik silang kumakain. Natigilan si Alfredo sa paghihiwa ng steak. "Ano bang mas gusto mo?"
"Iyong totoong ikaw," simpleng sagot ni Charm. "Kasi ako totoo akong tao. Ayoko na ginagawa mo lang 'to kasi kaylangan, o dahil sa inutos na naman ng Lola mo."
"Walang nag utos nito Charm," mabilis na sagot ni Alfredo. "Sarili kong kagustuhan ito at masaya akong ginagawa ito para sayo. Because if you're happy, happy na din ako. Ganiyan kita ka-mahal."
"Mahal mo ako?" Hindi makapaniwalang tanong ni Charm.
Huli na para bawiin ni Alfredo itago. Dahil bibig niya ang kusang nag laglag sakaniya sa dalaga.