Busy si Alfredo sa paghahanda para sa proposal n'ya kay Charm. Hindi na naman n'ya ito ipinaalam sa dalaga. Palagi nalang niya itong nais masorpresa. Ngunit ngayon ay kakutsaba na niya ang pamilya ni Charm. "Gusto n'ya ang bulaklak pakidamihan." Utos niya sa nag aayos ng design. Umukupa siya ng isang private place kung saan dun gaganapin ang proposal. Kasama niya ang dalawang kaybigan na si Jared at Lenard. "Hindi kana ba mapipigilan?" "Oo nga naman," sabat ni Jared. "Mag papa-sakal kana talaga?" Napangiti si Alfredo. "Napakabait ng magiging asawa ko, at kahit hindi n'ya ako i-under. Ako ang kusang gagawa para sakaniya. Dahil s'ya lang ang itututing kong boss. Masaya ako sa buhay na pinili ko kasama si Charm. Walang pagsisisi," kumindat siya sa dalawa. "Kaya kayo mag isip na kayo

