Chapter 1
Nanghihina akong nakarating sa hospital. Nang marinig ko ang hagulgol ni Auntie ay hindi na ako nakapag paalam sa Head namin at agad na pumara ng taxi. Nanlalamig na ako sa takot at kaba at mabuti nalang at may dala akong pera sa bulsa!
"Auntie? Asan po si Nanay?!"
Mabilis akong dumalo sa kanya nang maabutan ko siyang nakaupo sa labas ng ER. Agad niya akong niyakap at mas humagulgol.
"A-Auntie si Nanay po?"
Pabalik balik ang tingin ko sa pintuan ng ICU. Parang bumagsak ang puso ko ng makita ang pulang letra sa taas. Nasa loob si Nanay. Nanghihina akong tumingin kay Auntie na ngayon ay nanginginig na sa balikat ko.
"B-Bigla na lang siyang hindi makahinga at sumasakit daw ang dibdib! Nahimatay siya kaya mas natakot ako! A-Ano ng mangyayari kay Norma?"
Mas lalo akong binuhusan ng malamig na tubig at mariing napapikit. Paano kung may nangyari ng masama kay Nanay sa loob? Paano kung iwan niya ako? Bakit ko pa kasi siya iniwan! Kasalanan ko toh! Kung 'di ko siya iniwan ay dapat mas nabantayan namin siya mabuti at hindi siya mag kakaganito.
Hindi ako papayag na iwan ako ni Nanay.
Sumandal ako sa pader at tuluyan ng humikbi. Parehas kami ni Auntie na ngayo'y hinang hina at iyak ng iyak. Diyos ko, sana po ay walang mangyaring masama kay Nanay. Huwag muna nyo po siyang kunin sa akin.. Wala pa akong nasusuklian..
"Sino pong kamag anak ni Mrs. Alejo dito?"
Agad akong napatingin sa doctor na kakalabas lamang sa ER. Taranta akong tumungo sa kanya kasunod si Auntie.
"Ano pong nangyari kay Nanay?"
"She collapsed because of a severe heartache and shortness of breath. We are really want to inform you that your mother's heart is already weak. It may get worse if kung hindi niyo kaagad dinala sa hospital."
"A-Ano pong sakit ni Norma kung ganoon?"
"We are now getting the test results of the physical exam. The patient is now stable. Pero kukuha pa rin tayo ng blood test, CT scans, echocardiogram sa kanya para makasigurado."
Kinagat ko ang pang ilalim na labi ko at agad na tumango.
"Gawin nyo po lahat para gumaling si Nanay."
Napahawak ako kay Auntie at tuluyang humagulgol. May sakit si Nanay at kinakailangan niya ng tulong ko pero anong nangyari? Mas lumalala dahil sa akin! Anong gagawin ko? Mahina na daw ang puso niya.
Natatakot ako. Sa oras na ito mas gusto ko nalang pumalit sa kanya sa kama. Mas maganda siguro kung ako nalang ang nandito kaysa kay Nanay.
"Nay..."
Marahan kong pinisil ang kamay niya at tinaboy ang nag landas na luha sa aking mata. Naramdaman ko ang pag tabi ni Auntie Fely sa akin.
"Huwag ka ng mag alala. Magigising din si Norma."
Marahan akong tumango. "Matapang si Nanay kaya kaya natin ito. Gagawin ko ang lahat para gumaling si Nanay. Kailangan pa natin siya, Auntie..."
Mapait siyang ngumiti. "Alam ko, Marisela. Kaya ng nanay mo ito. Hindi tayo papabayaan ng diyos."
Simula pagka bata ko ay hindi ko nakitaan si Nanay na humihina ang loob. Lagi pinapakita sa aking marapat akong lumaban dahil lumalaban din siya. Kahit anong problema basta kaming dalawa magkasama. Hindi niya ako basta basta iiwan.
Buong gabi ata ay hindi ako halos makatulog. Nakabantay lang ako sa kanya. Pinauwi ko muna si Auntie para kunin ang iilang damit ni Nanay at para makapag pahinga na din.
May iilang test pa daw na gagawin para kay Nanay. Mas mabuting 'di muna siya ilabas sa hospital. Ayaw ko rin munang isipin ang babayaran dahil mas gusto kong gumaling si Nanay.
Nagising na din si Nanay kinabukasan pero mahina pa din siya at medyo 'di kayang mag salita. Hinahayaan na lamang namin siya ni Auntie na matulog at makapag pahinga kahit gabi gabi ay tanging hagulgol ang naririnig ko sa kanya.
Tuwing nangyayari 'yon ay nang hihina ko. Hindi ko na'din magawang pumasoks a eskwelahan kaya nung sinabi ko kay Isabel ang kondisyon ko ay handa daw siyang tumulong at ibinibigay sa akin ang iilang notes.
Kabado akong dumating sa doctor office para personal na kunin ang test results. Ngumiti ako kay Auntie Fely na nag hihintay sa labas at tumango.
"P-Pupwede ba akong sumama?" Nag aalalang tanong niya.
"Ayos lang po. Ako nalang po. Pakibantayan nalang po si Nanay, Auntie."
Wala na din siyang nagawa at sunod sunod na pag tango ang ginawa. Nang pumasok ako ay may iilang sinabi sa akin ang doctor patungkol sa sakit na pwedeng makuha ni Nanay bago tuluyang ilahad sa akin ang test results.
"Your mother is diagnosed with dilated cardiomyphoty. This desease is actually rear lalo na sa mga babae. After all the diagnosis we did, malinaw na may sakit nga siya nito."
Kumunot ang nuo ko habang binabasa ito.
"There are ways to treat it but if it worsens the best treatment is a surgical treatment. Pwede namin siya bigyan ng medicines to lower her blood pressure, also proper diet to the patients, ano. Iwasan din ang pag papagod at ang pag iinom ng mga antibiotics."
"M-masama po ba ito?"
"Not to scare you, but yes. It's a very rear and dangerous that it can lead to a heart failure. Kung di magagawan agad ng paraan baka bumigay ang puso ng Nanay nyo."
"G-Gawin nyo po lahat para gumaling si Nanay.."
Bumuntong hininga Ito. "Gagawin namin Ms.Alejo, pero kailangan niyo mag handa ng napa kalaking halaga para rito."
Tulala akong lumabas ng kwarto. Biglang nanlambot ang tuhod ko sa takot. Pagod na pagod na ako pero mas pagod si Nanay. Paano namin 'toh malalagpasan. Ayaw kong iwan niya ako.
Heart failure. Ang sabi sakit sa puso. Delikado at nakakamatay.
Sunod sunod ang pag buhos ng luha ko. Marami pa akong magagawa. Kailangan gumaling ni Nanay at ayun ang pangunahing kailangan ko gawin!
"Marisela!"
Nang dumating si Auntie ay sunod sunod na ang ginawa kong pag iyak. Onti nalang ay parang di na ako makahinga sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Huwag muna si Nanay, huwag muna siya kahit ako po muna.
"Diyos ko po..."
Marahas akong umiling ako. "Ayaw ko mawala si Nanay, Auntie!"
"Oo... Mag hahanap tayo ng paraan para gumaling si Norma."
Gusto ko agad na gumaling si Nanay. Hindi masisimulan iyon kung wala pa kaming downpayment na ibibigay. Hindi ko alam kung saan kami kukuha ng pera pero kailangan kong maghanap! Kahit saan.
Ang sabi ni Auntie ay susubukan niyang mangheram kay Kapitana at sa iilang kaibigan niya sa dati niyang pinapasukan. Hindi na ako umalma dahil mapilit ito. Susubukan ko naman humeram kay Brent at sa kasamahan ko sa trabaho.
"I'll just put it on your bank account. I know some doctors who can help your Mother. Huwag ka namang mahiyang lumapit sa akin."
"Huwag na. Ayos lang naman tsaka sobra na yung binigay mo sa akin. Ayos na 'yon."
Nag aalalang tumango si Brent sa akin. Isa siya sa malalapit na kaibigan sa akin. Bukod kay Isabela ay matuturing ko din siyang isang matalik na kapatid.
"You can always count on me, Sela." Mahinahon niyang sambit.
Tumango ako at tahimik na ngumiti dito. Pinaheram naman ako ng iilang kasamahan ko pero di pa sasapat ang nalikom namin ni Auntie. Mahal ang pag papagamot sa puso kaya sigurado ko ng mas sobra sobra pa ang kailangan namin.
Muli akong nanghina at napaiyak habang nag lalakad sa kanto ng hospital. Sobrang nanginginig na ako sa takot, gutom at lungkot pero kailangan kong maging malakas.
Nang dumeresto muli ako sa ward room ay nakita kong papatayo na si Nanay. Agad akong tumakbo para pigilan siya. Ngumiwi siya habang iniinda ang sakit sa dibdib at agad na bumalik sa pag kakaupo.
"A-Anak.." Pigil niya.
"Magpahinga naman muna po kayo, Nay!"
"G-Gusto ko sanang kumuha ng tubig-"
"Asan po si Auntie?" Ani ko habang inaayos ang unan sa kanyang taas.
"B-bumili ng prutas. Paubos na kasi."
Tumango ako at muling pinahiga si Nanay. Mabilis niyang nahuli ang kamay ko at malungkot na tumingin sa akin. Napapikit ako ng maramdaman ang kamay niya sa aking pisngi. Para tuloy gusto kong umiyak.
"Pagod na pagod kana, Anak.. magpahinga ka muna." Mahina niyang sambit.
Mabilis akong umiling. "Kayo ang mag pahinga, Nay. Kailangan nyong gumaling."
"Hayaan mo nalang ako. Umuwi na tayo. Mas mahihirapan ka pa dito. Ang payat payat mo na ano." Pinilit niya pang tumawa kahit siya itong nahihirapan ngayon.
"Nay naman... Paano ako pag wala kayo?"
"A-Andito lang naman ako parati, Asunscion Marisela.."
"Nay naman! Ayaw ko nga ng first name ko e,"
Parehas kaming napatawa. Agad ding napatigil ng bigla siyang ngumiwi at muling napahawak sa dibdib. Kinabahan ako dahil doon at agad siyang hinawakan pero agad siyang umiling at umiwas.
"A-Ayos lang ako naman ako. Sumakit lang, Anak."
"Gagawin ko po lahat para gumaling kayo. Gagaling kayo, Nay. Gagaling kayo." Mariin kong sambit at pinigilan ang muling pag buhos ng luha.
Tumango lang siya at muli akong niyakap. Hindi ko alam ang mangyayari sa akin kung mawawala man si Nanay. Kailangan masimulan agad ang operasyon kaya desperada na akong gawin lahat. Kailangan namin ng pera. Para kay Nanay.
Biglang naalala ko ang inaalok sa akin ni Isabel. Ilang beses akong lumunok habang sinusubukang idial ang numero niya at 'di na ako nagulat ng agad niya iyong sagutin.
Kabado akong lumabas sa kwarto at pumunta sa pinaka tahimik na lugar.
"Sela? May problema ba?" Ani niya sa kabilang linya.
"Ah wala may sasabihin lang sana ako sa'yo.."
Narinig ko ang iilang ingay sa kabilang linya at ang isang boses ng lalake at hagikhik ni Isabel. Ano bang ginagawa nila? Mariin akong napapikit at napalunok.
"Wait- Ano ba 'yon?"
"Sa susunod nalang siguro? Baka may ginagawa ka-"
"No- i mean no! Go ahead. Wala lang naman ito,"
Huminga ako ng malalim at sandaling kinurot ang aking balikat para mapigilan ang kaba sa aking dibdib. Suminghap ako bago tuluyang ilabas ang salitang gustong lumabas sa aking bibig.
"Tungkol sana offer mo..." Mariin akong pumikit. "Pupwede ko bang malaman ang iilang detalye tungkol doon?"