Chapter 32 "KYAAAAAAAHHH!!! SAAAAN!!!" Akala ko wala nang mas ikaiingay pa ang mga batang naglalaro sa parke. Pero tinalo pa sila ng mga babaeng ito na kanina pa nagtutulakan sa linya nila para lang magsiunahan sa pagkuha ng personal autograph at magpa selfie sa isang cosplayer na katabi ng stand namin. DAZAAIII- Sinimangutan ko si Travis na kanina pa ako inaalo at sinasabing magiging success ang cosplaying na gagawin ko. Pero ni isa walang lumalapit sa akin dahil isang underrated na character lang itong pinili ni Travis para sa akin. "Kapag talaga naubos ang oras ko at walang nangyaring maganda ay pepektusan na kitang animal ka!" At ibinato ko sa kanya ang nahawakan kong libro. Umilag naman ito. Hindi ko sana sasabihing siya ang gumawa ng character na ito. Pero kaya naman talaga ako

