Chapter 45 Bukod sa hindi ko alam kung paano mag-celebrate ng birthday ang mga taga Tamahome Land ay hindi ko alam kung paano batiin si Kasei. Never nga akong nakisalamuha sa ibang tao noon. Focus ako masyado sa pag-aaral at ang pagpipinta lamang ang nakakapag-comfort sa akin. Sa tuwing kaarawan ko naman ay ang mga nagtatrabaho lang sa kompanya namin, mga friends and investors, at kakilala lang ang dumadalo. Hindi pa ganun ka engrande dahil ayokong ma-expose and I do really hate attention. "Ito na po ang pinakamahal na cake namin," sagot ng tindera sa tanong ko. Pinasadahan ko ng tingin ang cake na sinasabi niya. Hindi ganoon kaganda pero sa tingin ko masarap naman. Siguro kaya hindi pasado sa taste ko ay dahil iba ang paraan ng pagkakaporma nito. Tumango na lamang ako sa kanya at nagt

