Chapter 62 Time flies so fast that now is already the thirteenth day of September and the exact day I woke up here in Tamahome Land. Isang taon na ako rito at isang taon ulit ang bibilangin ko't sisimulan na ang ritual para makabalik ako sa mundo namin. Sa mga nagdaang araw ay wala ako masyadong ginawa maliban sa pagurin ang sarili ko sa pag-iisip ng mga bagay. "Ano pa bang mga katanungan mo?" tanong ni Ms. Makoto sa akin pagkatapos namin balikan ang lahat ng nalaman kong impormasyon. "Ang sabi mo nakikita ni Tenten ang future. Bakit hindi niya nalaman na balak niyong gawin ni Luna ang ganoong ritual?" Ang malaking templo'y mukhang walang katao-tao pero nakamasid lang sa paligid ang Special Ops. Weekend ngayon at tulad ng dati ay tinuturuan ako ni Ms. Makoto ng sariling martial arts n

