Chapter 54 "Gusto kong malaman kung gusto mo pa ba si Kazuki Senpai?" Dumilat ako nang ulitin niya ang kanyang tanong. Bumaba ang tingin niya sa mga luha kong nagsisi-unahan sa pagpatak. "Bakit ka umiiyak?" seryoso nitong tanong bago punasan ang mga luha sa pisnge ko. Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko para sabihing hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Masyado naman kasing unexpected ito. "Mahirap bang sagutin ang tanong ko?" tanong niya ulit sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin at kunwareng kinusot ang mata para ipakitang napuwing ako kahit alam kong hindi niya iyon paniniwalaan. I am trying to save myself here. "Ano bang klaseng tanong iyan, Kasei? Bumalik na tayo at baka hinahanap ka na nila." I tried to avoid his question. Nang sinubukan kong kumawala ay bigla niya akong ni

