Chapter 40 Uwian na nang maisipan ng The IV Legends na umuwi. Magkasama kami ni Kazuki nang nasa gate na kami para tignang umalis sina Yuriko. "Pagaling ka pa ng maayos, Kitora-chan. Para naman makasama ka sa mga gatherings namin. Huwag mong kakalimutan ang gig namin sa darating na linggo ha?" si Yuriko. "Oo. Wala naman kaming pasok tsaka wala akong gagawin sa weekend." "Aasahan namin iyan!" "Oo nga!" Napakakulit talaga ni Yuriko. Pero hindi naman nakakainis. Natutuwa pa nga ako sa kakulitan niya. "Sayonara!" Kinawayan ko sila pagkatapos nilang sumakay sa sariling kotse nila. Mabuti talaga at hindi mahigpit ang manager nila. Hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi hanggang sa dumating na kami sa gate ng bahay namin. Hinarap ko si Kazuki at mas pinalapad ang ngiti. "Eh ikaw,

