I cupped his face, shocked that I'm seeing him now. "Devon! Why are you---" "What are you doing here?" tanong niya. His voice is somehow different, it's deeper. Muling tumunog ang speaker, dahilan para makuha non ang atensyon ko, pero walang boses na lumalabas doon, tanging nakakabinging tunog lang na masakit sa tenga. Iginala ko ang mata ko sa paligid. Madilim ang kwarto at bakante, may tatlong hospital bed at kurtina lang ang pagitan ng mga 'to, hinanap ng mga mata ko ang bintana. I felt delighted when I saw it was beside a tree, mas madaling kumapit sa puno para tumakas. Nilingon ko si Devon pero sa sahig ko na siya naabutan. "S-Stay away. Go home. Leave me a-alone," nahihirapan niyang sabi habang namimilipit ang tiyan, he's curled up in a corner and I can't see his face. "What ar

