"Bhe, tara gala tayo mamaya!" Nagulat siya nang bigla siyang niyaya ni Mila, isang sales lady sa supermarket na pinagtatrabahuhan niya nang isang araw pagkatapos ng trabaho ay nilapitan siya nito. Medyo ka-close niya rin naman ito. Ang totoo ay kasabayan niya itong pumasok doon bilang sales lady pero ngayon ay cashier na siya. "Saan?" nagtataka niyang tanong dito. Ngayon lang kasi siya nito niyayang gumala dahil palagi itong busy sa boyfriend nito. At hindi niya talaga alam kung bakit niyayaya siya nito. "Kain lang tayo ng dinner tas punta sa Mall." anito. "Eh bakit hindi ka magpasama sa boyfriend mo?" Usisa niya naman dito. Nakakapagtaka lang na siya ang naisip nitong yayain samantalang alam naman nitong hindi siya gala. "Nakakasawa na kasi siyang kasama! Kaya sige na, pumayag ka na

