Chapter 4: Jamming

1842 Words
Jamming "Ikaw?!" tanong ko doon sa lalaki. Totoo ba itong nalaman ko? Siya iyong bagong kapitbahay namin? Paano? Bakit? Maraming tanong ang naglalaro sa aking isipan tulad ng; Siya ba 'yung nagpailaw sa kwarto nila? Siya ba 'yung nagtanong sa akin kahapon? Hindi totoong may multo sa bahay nila? "Siya ang nagpailaw sa kwarto nila kagabi." "Siya ang nagtanong sa'yo nung pinasok mo ang bahay nila kahapon." "At walang multo sa bahay nila." Agad akong napatingin kay Aling Rosa nang sinagot niya ang mga tanong ko sa aking isipan. Hindi ako makapaniwala sa rebelasyong narinig ko. Parang hindi pa rin nag-si-sink in sa utak ko ang mga narinig ko ngayon. "Muntik na akong atakihin sa puso dahil sa'yo, lintik ka!" sigaw ko sa lalaki. Sinamaan ko siya ng tingin pero sinuklian niya lang ako ng blankong tingin. Padabog akong umalis doon at pumasok sa bahay. "Pagpasensyahan mo na ang batang 'yon," rinig ko pang sabi ni Aling Rosa bago ako nakapasok sa gate. Buong araw akong nagbabad sa panonood ng movies sa movie room. Napahigpit na lang ang hawak ko sa remote. Naiinis ako dahil wala akong kaalam-alam para tuloy akong tanga. Napahiya pa ako kasi pinasok ko pa 'yung bahay nila. Ano na lang kaya ang sasabihin ng ibang tao tungkol sa akin? Na isa akong trespasser? Babaeng takot sa multo? Urgh! I hate that idea! Kinagabihan nang maghapunan kami ay sinabi sa amin ni Aling Rosa na mag-isa lang na naninirahan iyong lalaki sa bahay nila. Hindi alam ni Aling Rosa ang buong detalye at iyon lang ang alam niya. "Hindi ko rin alam ang pangalan ng binatang iyon. Nakalimutan kong itanong sa kanya kanina." dagdag niya. May parte sa kalooban ko na nalulungkot ako doon sa lalaki dahil mag-isa lang pala siya sa bahay nila. Nasaan ang parents niya? Nasa ibang bansa kaya sila kagaya ng parents ko? Pasado alas nuwebe ng gabi ay nasa terrace ako hindi para uminom kundi magpahangin. Ang lamig ng simoy ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam. Napangiti tuloy ako. Napatingin tuloy ako doon sa kabilang bahay at may ilaw na ito lahat. Ayan may ilaw na. Hindi na 'yan magmumukhang haunted house sa sobrang dilim. Natawa ako sa naisip ko. At ngayon na may ilaw na, gusto ko tuloy pumunta doon para tignan ang buong bahay. Maganda kasi 'yong bahay lalo na kapag nailawan na. Baka hindi na ako umuwi sa bahay kapag nakapasok ulit ako doon. Nakita kong nagtungo 'yong may-ari ng bahay sa terrace nila at napatingin agad ito sa akin. Kaya naman dali-dali akong umalis sa terrace at nagtungo sa kwarto. Kailangan ko kasing matulog nang maaga dahil may pasok pa ako bukas. Kinaumagahan ay maaga akong nagising para pumasok sa school. Isa na ito sa mga ugali ko ang gumising ng maaga para pumasok. Ayoko kasing ma-late sa school. Ewan ko ba, nasanay na kasi ako sa mga bilin ng parents ko kaya naging ganito ako. Hinatid ako ni kuya Alex papunta sa school at nang napadaan kami sa kabilang bahay ay nakita ko ang may-ari na nagdidilig ng mga halaman sa labas ng bahay niya. Wala siyang kabuhay-buhay at mukhang kakagising niya lang. Hinahayaan niya lang na lumabas ang tubig mula sa hose na hawak niya doon sa halamang dinidiligan niya. Baka mamatay ang halaman sa sobrang dami ng tubig. "Ano kaya ang pangalan niya?" "Po?" "Huh?" tanong ko kay kuya Alex nang bigla siyang salita. "Tinatanong niyo po ba kung ano ang pangalan ng bagong kapitbahay natin?" "Po? Sinabi ko po 'yon?" tanong ko at tumango naman siya. Hindi ko alam na napalakas pala ang pagkakasabi ko na naging dahilan kung bakit narinig iyon ni kuya Alex. "Wag niyo na lang po pansinin 'yon hehe." napapahiyang sambit ko. Nang makarating ako sa school ay saka lang ako nagseryoso. I attended all of my morning classes. Nang maglunch break ay kasama ko si Mika sa cafeteria to buy some packed lunch. "Ano? So all this time walang multo sa bahay na iyon kasi may nakatira na pala?" tanong ni Mika sa akin nang makahanap kami ng table. "Yeah." "Napahiya ka sa ginawa mo?" "Oo at saka hindi ko naman alam na may nakatira pala doon." "So ano'ng itsura nung bagong kapitbahay niyo?" naghalumbaba siya at saka ako nginitian ng nakakaloko. "Pogi," mahinang sambit ko na sapat lang para marinig niya. "Really?! Huy, pakilala mo naman ako oh!" sambit niya at pinagtutulak pa ako ng gaga. "Ni hindi ko nga kilala 'yung tao eh. Paano ko ipapakilala sa'yo?" "Edi magpakilala ka!" "As if naman na gagawin ko 'yon," sambit ko sabay subo ng kanin. "Sabagay pero gagala ako sa inyo para makita si pogi!" tili niya. Napairap na lamang ako. "Ewan ko sa'yo," sambit ko lamang bago nagtuloy sa pagkain. May binigay na coverage para sa long quiz namin bukas ang prof namin at saktong absent ang prof sa susunod na subject kaya naman mag-a-advance study na lang ako para hindi sayang ang oras. Magsisimula na sana ako nang bigla akong tinawanan ni Mika. "Advance study?" Tumango ako. "Obsessed na obsessed ka na talaga sa pag-aaral ano? Pahinga ka muna!" "Sayang ang oras," malamig na sambit ko at saka nagsimula ng magbasa. Ilang minuto matapos naming mag-usap ay napalingon ako kay Mika at ako naman ang natawa dahil ginaya niya rin ang ginagawa ko ngayon. Iyan ba ang ibig sabihin ng salitang "pahinga" para sa kanya? "Gagaya na rin ako sa'yo. Sayang ang oras eh," sambit niya. "Iba talaga kapag may kaibigan kang matalino ano?" dagdag niya bago tumawa ng malakas. Napailing na lang ako. Nang matapos ang huling klase namin ay agad na akong nag-abang sa parking lot para kitain si kuya Alex. Siya ang magsusundo sa akin ngayon pauwi sa bahay. Nang makita ang sasakyan namin ay agad siyang nagpark sa harap ko at saka ako sumakay. "Kuya Alex, daan muna tayo sa Starbucks. Bibili lang ako ng milktea." "Sige po." Kada pumupunta ako sa Starbucks, palagi akong bumibili ng milktea. Paborito ko kasi iyon. Nang nakarating kami doon ay pumasok na ako sa establisyemento para pumila. Habang nasa pila pa lang ako ay naiinis na ako dahil bukod sa maiingay ay ang tagal pang umorder nang nasa unahan ko. Naguguluhan pa kung ano ang ioorder nila. "Ano sa inyo?" "Kayo na bahala. Hindi naman ako mapili sa pagkain eh." "Bilhan natin ng bubble tea si Shaun." "Nakuha mo ba 'yong order nung tatlo?" "Cheesecake, blueberry cake at kape raw." "Nakapili na ba kayo?" "Teka lang naman!" Limang lalaki ang nasa unahan ko ngayon. Tinignan ko ang kahera at imbis na mainis siya sa mga customers niya ay nagpapacute lamang ito. What the hell? Ano ang ginagawa niya? Napairap na lang ako. "Bilhan natin ng bubble tea si Shaun!" "Oo na! Paulit-ulit na lang?!" Sobrang likot rin nila at ang iingay pa. Nagtutulakan pa kung sino ang oorder sa kanilang lima. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nasiko ako ng isang matangkad na lalaki at tumama iyon sa braso ko. Siya ang pinakamatangkad sa kanilang lima. Sisigawan ko na sana siya pero nang humarap siya ay ngumiti siya sa akin na naging dahilan kung bakit naudlot ang binabalak ko. "I'm sorry," he said and then he smiled once again. Nakipagtitigan ako sa lalaki. Naaalala ko siya. Siya 'yong lalaking ngumiti sa akin sa basketball court nung biyernes! Isa siya sa mga lalaking naglalaro doon. Hindi ko namalayan na tapos na pala silang umorder. Nang makaalis sila sa pila ay ngumiti ulit 'yong lalaki sa akin. Nakakainis ang ngiting 'yon. Umusad na ako sa pila. Oorder na sana ako pero nakita kong hindi pa rin naaalis ang tingin ng kahera doon sa mga lalaki. I rolled my eyes once again. "Excuse me?" tawag ko sa kanya. "Yes po?" "Pwede na ba akong umorder?" Tinarayan ko siya at tinaasan ng kilay. "Ah opo! Sorry po." "Tss," singhal ko sabay irap. Nang makabili na ako ay agad na kaming dumiretso sa bahay. Nagtungo ako sa kwarto para mag-aral. I managed to change my clothes before I study. Nagpadala lang ako ng dinner sa kwarto ko kasi ayokong maabala ang pag-aaral ko. Ayoko rin ng istorbo kapag nag-aaral ako. I really hate that kasi hindi ako makakafocus sa ginagawa ko kapag may istorbo. Nang matapos akong kumain ay tinuloy ko ulit ang pag-aaral ko na agad ring nahinto dahil may naririnig akong kumakanta sa kabilang bahay. Ang ingay ang ang nagmula sa bahay ng bago naming kapitbahay. "Kamukha mo si Paraluman Nung tayo ay bata pa At ang galing-galing mong sumayaw Mapa-boogie man o chacha ~" Marami ang kumakanta at mga lalaki pa iyon. Naiingayan ako sa boses nila at hindi ako makapag-aral ng maayos nang dahil sa pagkanta nila! "Akala ko isa lang ang nakatira dyan. Bakit naging marami?" tanong ko sa sarili. Siguro ito 'yong mga kasama niya sa bahay. Magaganda ang mga boses nila at parang myembro ng isang boyband sa ganda ng boses pero naiingayan talaga ako lalo na't nag-aaral pa ako. "Ngunit ang paborito Ay pagsayaw mo nang El Bimbo Nakakaindak, nakakaaliw Nakakatinding balahibo ~" Hindi ko mapigilan ang sarili kong bumaba at nagtungo sa sala, binuksan ko ang bintana at kinuha ang maliit na telescope para tignan kung ano ang nangyayari sa kabilang bahay. Nakita kong nagja-jamming sila at naghe-headbang pa. Teka, totoo ba itong nakikita ko? Walong lalaki ang nagja-jamming sa bahay at ang gwa-gwapo pa. Napansin ko 'yong lalaking ngumiti sa akin sa Starbucks kanina at nakita ko rin ang mga kasama niya kanina sa Starbucks doon sa bahay. Nasaan ang may-ari ng bahay? Bakit wala siya? "Pagkagaling sa 'skwela Ay didiretso na sa inyo At buong maghapon Ay tinuturuan mo ako ~" "Magkahawak ang ating kamay At walang kamalay-malay Na tinuruan mo ang puso ko Na umibig ng tunay ~" Pinanood ko ng mabuti ang ginagawa nila gamit ang maliit na telescope. May nakita akong mga beer, chichirya at mga Korean noodles na nagkalat sa lamesita. Namangha na lang ako nang may narinig akong bumirit at nakita ko ang isang lalaking mukhang mature ang itsura at isang lalaking blonde ang buhok na bumibirit. Napanganga ako sa ganda ng boses nila. Akalain mo 'yon? Kalalaking tao pero bumibirit. Pusta ko, mga singer 'to. Nilipat ko ang tingin ng aking telescope at namataan ko ang isang lalaking may army cut na buhok at bilugan ang mga mata at nakatingin pa ito sa akin. Binaba ko ang telescope upang tignan ang lalaki. Ngumiti ng pagkalaki-laki ang lalaki habang kumakaway sa akin bago niya padabog na isinara ang bintanang tinitignan ko. What was that? Nagulat ako sa ginawa niya at napasinghal na lamang ako. "Ang iingay niyo!" malakas na sigaw ko. Padabog akong umalis doon at nagtungo sa kwarto para mag-aral ulit. Wala akong pakialam kung narinig nila 'yon. Ang mahalaga ay naisigaw ko 'yon ng malakas. Binabad trip ako ng mga lalaking 'yon! Urgh! — End of Chapter 4 —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD