Kinabukasan naging abala ang buong palasyo sa pagtanggap ng mga makikiramay sa pamilya ng hari. Naging abala naman ang grupo ni Ricky sa palihim na paghahanda sa mga mangyayari sa Sapiro. "Magpahinga ka na muna, Ric. Buong araw ka nang kumilos. Kailangan mong makabawi ng lakas. Ako na bahalang mag-monitor sa kanila. Balitaan kaagad kita kapag may pagkilos." payo ni Ren. "Sige po. Sisilipin ko po din si Joey." banggit ni Ricky. "Sige na para makapahinga ka pa." ani Ren. Nagtungo si Ricky sa kwarto ni Joey at kaagad naman syang pinigilan ng isang kawal. "Sino 'yan?" tanong ni Tony. "May kawal pong nais makita ang Prinsesa." anang kawal. Kaagad binuksan ni Tony ang pinto at nakita si Ricky. "Kamahalan, kanina pa kayong hinihintay ng Prinsesa. Nagpapahinga na sya." ani Tony na yumukod.

