Biglang tumunog ang babala ng heart beat monitor ni Drew. Kaagad pumasok ang doktor sa Quarantine Room. Sumilip sina Ricky at Joey sa salamin. Nakita nilang dinadalahit ng ubo si Drew. May napansin na dugo ang tumitingin kay Drew kaya ipinatawag si Sandy. Kaagad pumasok si Sandy sa Quarantine Room. Makaraan ang ilang minuto lumabas muli sya. "Si Mike po? Kamusta na?" tanong ni Ricky kay Alexi habang hinihintay. "Nasa kabilang kwarto. Nasuri na sya wala pang traces ng virus pero kailangan naming i-quarantine kahit hanggang mamayang gabi para sa test," ani Alexi "Gagawin naming lahat para iligtas sila, Kamahalan," paniniyak ni Sandy. "Pakiusap, Ate," samo ni Ricky. Nag-beep ang cellphone ni Ricky. Kaagad nyang sinilip ang mensahe bago nagsalita. Naging seryoso ang mukha ni Ricky. "Kail

