Parang nawala ang lahat ng lakas sa katawan ko. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makahinga. Nanlabo ang paningin ko habang nakatitig lang sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin, o kung ano ang gagawin. Mas lalong sumakit ang dibdib ko. Mas lalong naging mabigat ang lahat. “Sige, pumunta ka na ngayon doon… kung magpapakulong ka rin lang naman, mas mabuti pang mawala na lang din ako sa mundong ito. Nabubuhay lang naman ako dahil sa ‘yo. Kaya kung mawawala ka na rin, wala na akong dahilan para mabuhay pa!” Parang pinipiga ang puso ko sa mga sinabi niya. Pakiramdm ko nasa pagitan ako ng dalawang bangin…. si Kuya sa isang banda… at ang mga taong namatay sa kabilang bahagi. Hindi ko na kaya. Hindi ko na talaga kinaya. Bigla akong tumalikod. “Aviona–” Hindi ko na siya pinansin. Ma

