Naiwan kaming dalawa sa loob ng sasakyan. Pagkatapos ay bumaling sa akin si Ashton. “Aviona,” sambit niya sa pangalan ko. Bakit parang ang sexy ng dating kapag siya ang tumatawag ng pangalan ko? O baka assuming lang ako? “Bakit? “Okay ka ba talaga?” Huminga ako nang malalim, saka tumango. “Oo naman. Okay lang talaga ako. Promise.” Ngumiti ako sa kaniya, para hindi na siya mag-alala pa sa akin. “Salamat ulit sa lunch… at sa cake. At sa…” sandaling huminto ako, “flowers at chocolates.” Kumunot ang noo niya, kunwari painosente pa. “What flowers and chocolates?” Napangiti ako lalo. “Tweh? Denial pa? Alam mo, sigurado akong sa ‘yo galing ang mga iyon, ano!” Sandaling tumitig siya sa akin, saka natawa… iyong totoong tawa na hindi mayabang. “Confident ka masyado, ah? Bakit naman kita bib

