Sa likod ni Ashton, tahimik na nagmamasid ang mga magulang niya. Ngayon lang nila nakikita ang babaeng pinagtutuunan ng pansin ng anak nila mula pa sa presinto. Ngayon lang nila nakikita kung bakit. Maging si Asher ay tila nakaramdam ng awa sa kapatid. “Anak…” mahina ang boses ni Ashnea nang tawagin si Ashton. Pero hindi ito sumagot. Nakatingin lang siya kay Aviona. At sa unang pagkakataon sa buhay niya, nakaramdam siya ng hindi masukat na takot. Pasado ala-una, nasa labas ng glass panel si Ashton, nakatayo at nakatitig lang kay Aviona. Hindi siya pinayagang pumasok agad. Immediate family lang muna… at technically, hindi siya kabilang doon. Ilang metro ang layo, magkatabi sina Marcus at Ashnea. Tahimik silang nagmamasid sa anak nila. Kahit nais na nitong umalis sila para makapagpahi

