Pagkatapos ng shift, pagod na pagod akong lumabas ng bar. Masakit ang mga paa ko, inaantok na talaga, at ang gusto ko na lang ay umuwi at matulog… kahit ilang oras lang. Pero bago pa man ako tuluyang makalayo… nakita ko siya. Si Ashton. Nakasandal siya sa itim niyang high-end pick-up truck, nakakrus ang mga braso sa harap ng matitipunong dibdib, matigas ang mga panga, at seryoso ang mukha. Hindi iyong usual na mayabang o mapang-asar na Ashton. Ibang klase ang awra niya ngayon. At nang magtagpo ang mga mata namin, lalo pang nagdilim ang mukha niya. Parang mas lalo pang nagalit. “Madaling araw na pero hindi pa rin umuuwi?” pabulong kong tanong sa sarili. Nagkunwari akong hindi siya nakita kahit pa nagsalubong na ang mga paningin namin. Diretso ang lakad ko, mas binilisan ko pa nga, uma

