Chapter 1 Their Deal

3015 Words
Pagmulat ng mga mata ko, ang agad kong naramdaman ay ang pagsirit ng kirot sa pagitan ng mga hita ko. Napangiwi ako dahil nang gumalaw ako ay doon ko naman nadama ang pananakit ng mga hita, braso at balakang ko. Then, everything went back to me like a flood. How we ended up in this hotel room and me, surrendering my virginity to the mighty Ashton Nicholo Aguilar. Mainit na ilaw, maingay na tugtog, at paulit-ulit na amoy ng alak… normal na gabi lang ito sa bar, at normal na pagod lang din ang nararamdaman ko. Pero the moment na lumingon ako sa table sa right wing, naramdaman kong may mga matang nakatutok sa akin. At hindi basta ordinaryong pares ng mga mata. They are the dark and beautiful Ashton Aguilar’s eyes. For weeks, ramdam ko na. Malimit na ang mga palihim na tingin, pahabol na ngiti, at kung minsan ay halatang pinagmamasdan niya ang bawat galaw ko. Sa dami ng mga babaeng nagsusumiksik sa paligid niya… mga naka-backless, naka-mini skirt, at kung ano pang puwedeng idikit sa balat, ako pa iyong pinipili niyang titigan. Hindi ko alam kung nakakainis o nakatatawa ba iyon. Siguro both. “Miss, the group on Table 7 is calling you,” sabi ni Joan, coworker ko, saka iniabot ang tray ng bagong drinks. Of course. Table 7. The ego table. The billionaire-babies-who-think-they-can-buy-the-world table. Huminga ako nang malalim bago lumapit. Pagkaharap ko, halos sabay-sabay silang ngumisi. At si Ashton… nakasandal lang, medyo pabukaka ang pagkakaupo niya na parang hari, may hawak na baso ng whiskey. Ashton had always been everyone’s favorite here, lalo na ng mga kababaihan. The kind of man women fall for just by breathing the same air as him. Unfortunately for him, hindi ako kasali sa mga babaeng iyon. Kailangan ko lang talagang magtrabaho para suportahan ang sarili ko. “Aviona, right?” tanong ng isa sa mga kaibigan niya. “Yes, sir?” magalang pero walang emosyong sagot ko. Kabisado ko na ang katarantaduhan ng mga ito. Kahit mga gaya kong crew ay hindi pinalalampas kapag may naisip na kalokohan. They are practically untouchable because they are filthy rich and has an unimaginable influence in the society. Biglang ngumisi si Ashton nang tumingin sa akin at magsalita. “They’re challenging me,” he said, eyes locked on mine. “Kung kaya daw ba kitang iuwi ngayong gabi?” Tinaasan ko lang siya ng kilay at hindi nagpakita ng anumang ekspresyon. “Okay… and?” Nagulat siya. Actually, lahat sila. Kitang-kitang sa mga mukha na hindi nila inaasahan ang magiging sagot ko. Siguro dahil ang inaasahan niya ay kikiligin ako. O aatras sa takot. O, kahit ano… basta hindi iyong klase ng tono na ipinapakita ko ngayon. Biglang humalakhak ang mga kaibigan niya. “Bro, she’s already rolling her eyes at you,” sabi ng isa. “Rejected ka agad, pre?” dagdag ng isa pa. Hindi ko pinansin. Tumayo lang ako nang diretso, naghihintay kung may order ba sila, or if this is just another testosterone show. Ashton leaned closer, the dominant alpha move type. “Aviona,” he said softly, “one million for a night with me.” Natahimik ang mga babaeng nasa paligid nila at pare-parehong umawang ang mga labi. Natahimik naman ang mga kaibigan niya at lahat sila ay nakatingin sa akin. Waiting. Expecting. They seemed convinced that this is the moment that I will give in to their game, like every other woman who practically throws herself at him. Pero hindi nagbago ang tindig ko. Nakatingin lang ako kay Ashton at wala siyang makikitang anumang emosyon sa mukha ko. Tapos… tumawa ako na lalong ikinagulat nilang lahat. “Sir,” sabi ko habang bahagyang umiling, “one million isn’t enough to buy something I’m not selling.” Nabura sa isang iglap ang ngiti ni Ashton. Literally. Parang may bumasag sa ego niya. “Kung wala na po kayong kailangan, maiwan ko po muna kayo. Marami pa po akong gagawin.” Nang wala pa ring sumagot ay magalang na akong tumalikod at iniwan ko silang lahat. At doon ko narinig ang halos sabay-sabay na kantiyaw ng mga kaibigan niya. “Bro. Bro. Bro. Did you see her face?” “One million, tapos tinawanan ka lang?” “This is the first time you paid to get rejected! That’s interesting and entertaining at the same time!” “Dude, this is historic. Iconic. Legendary. You’re done.” Hindi ko na nilingon. Busy ako. Maraming trabaho. At lalong hindi ako binabayaran para makipaglandian sa mga lalaking sanay makuha ang lahat ng gusto nila. Pero habang naglalakad ako pabalik sa counter… ramdam ko ang mariin na tingin ng isang tao sa akin. Tumingin ako saglit. At nakumpirma kong si Ashton nga ang nakatitig. Nakangisi na siya ngayon… hindi naman arrogante at hindi galit, pero isang ngiting nakakainis. Iyong ngiting nagsasabing: “Challenge accepted.” At doon, sa unang beses, naramdaman kong may paparating na gulo. At lahat ng iyon ay magsisimula sa isang lalaking hindi ko dapat binigyang-pansin… pero heto siya, gumagawa ng eksena para guluhin ang isip ko. And he is Ashton Nicholo Aguilar. “You’re awake!” Napasinghap ako at naputol ang pag-iisip ko nang bumukas ang banyo sa may dulong bahagi ng kuwarto at lumabas mula roon si Ashon. Fresh na fresh at bagong ligo. Lintek! Bakit naman napaka-guwapo ng demonyong ito? Muli kong nakagat ang pang-ibabang labi ko dahil nang gumalaw ako ay kumirot na naman ang p********e ko. Hindi ako makapaniwala na ganoon pala kalaki ang ari ng isang lalaki. Parang hindi naman yata ganoon iyong kay kuya. As in ang sakit talaga noong ipasok na niya iyon sa akin. Akala ko talaga kagabi mawawasak na ang ibabang bahagi ng katawan ko. Sobrang sakit. Pero kalaunan nasarapan na rin ako kahit may kirot pa rin. So that’s how s*x works. There is pain and there is pleasure at the same time. “Naipadala mo na ba ang pera?” malamig na tanong ko. Kumunot ang noo niya. Para bang hindi niya inaasahang ganito lang kalamig ang tono ko. “I will double the amount if you stay and make me happier in bed. Hindi pa sapat sa akin iyong ginawa natin. I want more!” lumapit siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko. “Hindi ako pokpok, Ashton! Kailangang-kailangan ko lang ng pera kaya pumayag ako sa gusto mo!” asik ko sa kaniya. “Well, I never said you are a w***e. Pero kung isang beses lang natin gagawin iyon, hindi naman kaya lugi ako masyado?” tanong niya. Napanganga ako at naningkit ang mga mata. “Lugi ka? Heto na nga at halos hindi ako makagalaw sa sakit ng ano ko, tapos lugi ka pa? Kakaiba rin ang mindset mo, ano?” Pinilit kong bumaba kahit nahihirapan ako. Pero muntik na akong mapamura nang bigla niya akong buhatin. Nagulat kasi ako. “Ibaba mo ako, Ashton!” angil ko sa kaniya. “Huwag kang malikot kung ayaw mong tirahin kita ulit ngayon. Ang bango pa naman ng pawis mo, tinitigasan agad ako!” mapang-asar na saad niya. Napanganga ako sa kabastusan ng bibig niya. Pero ano pa bang aasahan sa mga gaya niya? Hindi ako kumapit sa kaniya nang lumakad na siya papuntang banyo. Niyakap ko lang ang sarili ko hanggang makapasok kami roon. Bahagyang umawang ang mga labi ko. “Ang laking banyo naman nito…” wala sa sariling nausal ko. “Ang ignorante mo naman! Banyo lang, para ka nang nakakita ng palasyo!” angil niya sa akin. Kaya naman mabilis ko siyang tiningnan saka mahinang binatukan. “Ouch! Bakit nananakit ka?” reklamo niya. “Eh, napakamapanlait mo, eh! Masama bang mamangha sa ganitong banyo, eh, mas malaki pa yata ito sa bahay namin ni kuya!” sabi ko. “Sige na! Maligo ka na at ihahatid na kita sa inyo. May lakad pa ako,” masungit niyang tugon. Inirapan ko siya. “Umalis ka na! Ako na ang bahala sa sarili ko. Hindi mo na ako kailangang ihatid!” tinalikuran ko siya. Tapos ngayon ko lang na-realize, nag-uusap kami na hubo’t hubad pa pa pala ako. “Kapag sinabi kong ihahatid kita, ihahatid kita! Tapos ang usapan!” Singhal niya at padarag na lumabas ng banyo. Kulang na lang ay ibalibag pa niya ang pagkakasara niyon. “Demonyo talaga!” inis na inis na bulong ko. Pero muling nabaling ang paningin ko sa kabuuan ng bathroom. “Ibang klase talaga ang mga mayayaman. Banyo pa lang halatang milyones na ang halaga!” napapailing na lamang ako at nagsimula nang maligo. Nakakatuwa na kahit papaano ay naibsan ng maligamgam na tubig ang pananakit ng buong katawan ko. Maging ang pagitan ng mga hita ko ay hindi na gaanong makirot. Nilapitan ko ang cabinet na salamin ang pintuan at binuksan iyon. Doon ay nakita ko ang nakatiklop na mga tuwalya na iba’t iba ang kulay – gray, blue, dark green at may itim pa. Pero ang kinuha ko ay iyong naka-hanger na pulang roba. Natakpan pa niyon ang sakong ko sa haba. Sabagay, mga gamit ni Ashton ito at napakatangkad niya. Kahit 5’7” ang height ko, parang ang liit ko pa ring tingnan sa tabi niya. Lumabas ako ng banyo na pinupunasan pa ng tuwalya ang basa kong buhok. Pero agad kumalam ang sikmura ko nang makaamoy ng pagkain. Bigla akong naglaway sa gutom. “Let’s eat before we go! I bought you some clothes to change on to,” walang-emosyong saad niya saka tuloy-tuloy na naglakad patungo sa mini dining area at naupo roon. Napansin ko ang mesang may nakahain nang mga pagkain. Nilingon ko pa iyong paperbags doon sa may sofa. Napalabi ako. Binilhan daw niya ako ng pagbibihisan. Paano ba naman kasi, napaka-wild niya kagabi. Pinunit ba naman ang damit ko. Muli ay napapailing na lamang akong lumapit sa mesa. “Ikaw ang nagluto?” kaswal na tanong ko. “And why would I cook, kung puwede namang mag-order ng pagkain?” masungit na sagot niya. Napamaang ako at nanliit agad ang mga mata ko nang tumingin sa kaniya. “Mainit ba ang ulo mo? Nagtatanong lang, ang angas mo namang sumagot. Hindi ka siguro mahal ng Mama mo!” inis kong sabi sa kaniya. Pero imbes na mainis ay bigla siyang natawa. Ttooong tawa kaya namangha ako kasi mas guwapo pa pala siya kapag totoo iyong saya sa mga mata niya. “I am my mom’s favorite child. Baka ikaw ang hindi mahal ng Mama mo!” para yatang pang-aasar niya. Pero hindi ako nakasagot. Bumigat ang dibdib ko at humapdi ang puso ko. Masyadong maganda ang umaga para alalalahanin ang malulungkot na bagay. “Hey,” untag nya sa akin kasi hindi ko pinatulan ang joke niya. “I was just kidding. Bakit bigla ka namang sumeryoso riyan? Kapag ikaw ang nang-asar, puwede. Kapag ginantihan kita, bawal.” Bahagya akong napangiti at umiling” Hindi sa gano’n. kumain ka na lang! Kalalaki mong tao, ang daldal mo!” “The next time na tatarayan mo ako nang ganiyan, sisiguraduhin kong hindi ka makakalakad ng ilang araw!” banta niya sa akin, kaya nabitin sa ere ang pagsubo ko. “At ano naman ang gagawin mo, aber? Lulumpuhin mo ako?” sinimangutan ko siya. “Yes! Lulumpuhin talaga kita, kaya huwag mong sasagarin ang pasensya ko!” seryoso siyang nagsasalita pero iyong mga mata niya ay halatang may iniisip na kalokohan. Hindi ako sure kung biro ba iyon o ano. Pero hindi na ako sumagot pa. Mas maiging manahimik kaysa mapahamak. Hindi ko personal na kilala ang lalaking ito kaya baka totohanin niya ang sinabi niya. Pagkatapos naming kumain, tumayo siya agad at nagsipilyo. Kasunod niyon ay nagbihis na siya at kinuha ang susi ng kotse niya. “Bilisan mo. Ihahatid na kita,” utos niya na parang wala akong pamimilian. Hindi na ako sumagot. Kinuha ko lang iyong paper bag at nagbihis sa banyo. Pagbalik ko, nakasandal na siya sa pader, hawak ang phone niya, pero halatang ako ang hinihintay. Pagkalabas namin ng condo, hindi niya ako tinanong kung saan kami pupunta. Diretso lang siyang nagmaneho… relax, confident, parang kabisado niya ang buong mundo. Pero nanlaki ang mga mata ko nang huminto siya sa tapat ng school ko. “P–Paano mo alam na–?” “Aviona,” putol niya, hindi man lang tumingin sa akin, “it’s a piece of cake. Masyado mo talagang minamaliit ang kakayahan ko!” Parang may gumuhit na lamig sa likod ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong ma-impress… o maalarma. Paglingon niya, may nakakalokong ngiti na sa mga labi niya… iyong tipong alam niyang madadala niya ako sa nais niya. “Call me,” mahina pero mapanukso niyang sabi. “Iyong offer ko? It will be standing. Anytime. I promise, the next time won’t hurt as much. Mas masarap at mas mag-eenjoy ka na!” Napairap ako sa sobrang inis. “Inulit mo pa talaga?” “Of course.” Bahagya niyang tinaas ang baba niya. “I don’t give up easily. Especially not on you.” Nag-init ang magkabilang tainga ko sa dagdag na inis. “Hindi kita tatawagan,” mariin kong sabi. “I hope this will be the last time na magkikita tayo!” “Hindi pa ngayon.” Umangat ang sulok ng mga labi niya. “But I’m sure, bibigay ka rin sa akin.” “Never,” sagot ko, at agad kong binuksan ang pinto. Buti na lang mabilis akong nakalabas, kasi baka masampal ko siya sa kakapalan ng mukha niya. Malakas na isinara ko ang pinto… kung puwede lang sabayan ng lindol, ginawa ko na. Pero bago ako tuluyang makalakad palayo, bumaba pa ang bintana ng kotse niya. “Aviona,” tawag niya. Hindi ako lumingon, pero huminto ako. “I enjoyed last night,” sabi niya sa mababang boses, parang nang-aakit lang. Napakuyom ang kamao ko sa hiya at inis. “Rot in hell, Ashton,” sabi ko nang hindi tumitingin, at tuloy-tuloy naakong pumasok sa campus. Narinig ko pang tumawa ang demonyo bago siya umalis. At habang naglalakad ako, iisang bagay lang ang pumapasok sa utak ko… Ano bang klaseng sumpa ang nadampot ko at nakilala ko pa ang lalaking iyon? Kung hindi lang para kay kuya, hinding-hindi ako papayag sa gusto niya! Pagkarating ko sa loob ng campus, pilit kong pinakakalma ang sarili ko. Kahit pakiramdam ko ay sinusundan pa rin ako ng amoy ng demonyong iyon at ng nakakaasar niyang tawa. Pagliko ko papunta sa building namin, biglang may humampas sa braso ko. “Ay, glowing ang BFF ko! Pero bakit parang pagod na pagod ka?” si Melody, best friend ko since first year, naka-ngisi at naka-akbay na agad sa akin. Napasinghap ako. “Huwag mo nga akong ginugulat.” Pero mas lalo lang siyang ngumisi. “So… kumusta ang kagabi?” Tumigil ako sa paglalakad. “Mel, please. Ayokong pag-usapan ‘yon.” Umikot pa siya sa harap ko, naglalakad paatras habang naka-kunot ang noo. “Kailangang pag-usapan iyon, at least with me, no? Alam ko namang kaya mo tinanggap ‘yong deal dahil kay kuya. Pero, Avi… kumusta ka?” Huminga ako nang malalim. “I’m fine. Tapos na rin iyon.” “Really?” Tinaasan niya ako ng kilay. “Kasi sa hitsura mo, parang hindi pa naman tapos.” “Melody,” may banta na sa tono ko… pero imbes na tumigil siya, mas lalo lang lumala. “Ay, wait!” tumigil siya sa paglalakad at pilyang ngumiti sa akin. “Masarap ba? Anong pakiramdam ng–” “Melody!” naeeskandalong saway ko sa kaniya. Napalinga ako sa paligid kasi baka may makarinig sa mga sinasabi niya. “Ito naman, ang arte! Curious lang iyong tao, eh!” irap niya sa akin. “Huwag ka nang ma-curious,” angil ko naman. Halos magkandahaba ang nguso niya sa pagsimangot. “By the way, nag-pills ka ba?” Napakurap ako. “Ha?” “Oh, my God, Avi.” Nilapitan niya ako at parang gusto niya akong batukan. “Hindi ka uminom ng pills?!” Nagpanting ang mga tainga ko. “Ano bang–?” “Aviona! Kapag hindi ka uminom, puwede kang… hay, naku, ewan ko sa ‘yo!” pinihit niya ako paalis ng hallway, para kaming nasa action movie. “Baka mabuntis ka!” Parang may sumabog na granada sa utak ko. “Ano?!” napahigpit ang hawak ko sa bag ko. “Hindi naman siguro… ay, Mel! Hindi ako handa sa ganyan!” “Tanga, walang handa sa pregnancy sa edad natin! Mag-pills ka na mamaya, okay?! Naku, bubugbugin ka ng kuya mo kapag mabuntis ka nang wala sa panahon!” Napapadyak pa siya sa sahig sa matinding kaba at pag-aalala. Bakit ba hindi pumasok sa isip ko ang bagay na iyon? I should have protected myself! “Oo na! Bibili ako mamaya pagkatapos ng klase,” halos bulong ko sa sobrang hiya at kaba. “Good.” Bumalik na ang pagiging chill niya. “Tara na, late na tayo.” Habang naglalakad kami papasok ng classroom, ramdam ko pa rin ang pagsusungit niya na may halong concern. Pero imbes na magkuwento, ngumiti lang ako at umiling. “Avi, seriously,” dikit pa rin siya nang dikit sa akin, “may iba pa bang nangyari na kailangan mong sabihin?” “Wala,” mabilis kong sagot. “Ay, sorry,” bigla siyang umarte na parang naputol ang kabuuan ng pantasya niya. “I forgot na Aviona ‘Very Private Life’ Vinaroa ka pala.” “Exactly,” sagot ko at tiningnan siya nang masama. Umismid siya, pero ngumiti rin. “Fine. Pero if may problema, sabihin mo sa akin. Alam mo namang palagi lang akong nandito para sa iyo.” Napahinga ako nang malalim. Kung alam lang niya. Kung alam lang niya kung gaano kagulo ang utak ko simula kaninang gumising ako. At kung paano ako binuwisit ng isang nakakainis, mayabang, at sobrang guwapong demonyo! The only consolation here is my brother. He will be freed soon…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD