Chapter 19 NAKAKA-PANIBAGO, pakiramdam ko ang haba ng tulog ko, samantala ang totoo ilang araw lang ito. Anong nangyari? "Lexs? Ang tagal mong nawala, alam mo bang subra-sobra ang pag-aalala namin sa iyo?" Tahimik lang akong nakikinig sa sinasabi ng aking kaibigan na si Cherrie. "Nasaan si Abigail? Balita ko inilipat raw siya ng eskwelahan?" Pag iiba ko ng usapan. Pansin ko ang biglang pag lungkot ni Cherrie. Hindi ko siya ramdam, dahil wala naman akong pakiramdam. Isa na akong bampirang walang pakiramdam sa kahit na sinuman. "Oo, simula nung nagising siya, umiba na ang pakikitungo niya sa akin, parang hindi niya na ako kilala. Tapos nalaman ko nalang na wala na pala siya dito, umalid nang walang paalam. Gustuhin ko man magtampo, ay hindi ko magawa." Tiningnan ko siya. Samo't sari

