Chapter II
Rose's POV
"NAKAKAINIS! Bakit ba sa dinami rami ng estudyante sa unibersisad na ito, ako pa talaga ang napag-tripan, o binubully ng mga iyon."
Nag-punas ako ng aking luha sa pisngi at inayos ang aking sarili.
"Hindi dapat ako magpapatalo o magpapaapi sa kanila."
Pagsasalita ko sa aking sarili.
"Yeah! You must to be brave."
"Ay kabayong walang buntot! Aba 'yan!"
Nasindak lang naman ako ng may isang lalaki naka tayo sa isang puno at naka-tingala sa may ulap.
Kumunot ang aking noo dahil sa pagsulpot nito.
"S-sino ka? B-bakit ka nandito?" Nauutal kong tanong sa kanya sabay ayos ng aking makapal na salamin.
Hindi siya sumasagot. Anong trip naman ang gusto nila sa akin?
"S-sino ka?" tanong ko ulit.
Lumingon siya sa akin.
Base sa pustura nito.
Matangkad; nasa six footer ata ang lalaking 'to. Maputi na maputla parang; walang dugo. Ano ba 'yan.
Tapos, all black ang suot. Werdo.
Okay naman ang mukha niya—sobrang itim ng mata niya na parang walang bahid ng takot, at gwapong nilalang.
Teka! Teka! Teka!
Bakit ko ba siya deni-describe?
"A-alis na ako, sige." Pagpapaalam ko at nilampasan ko siya.
Hindi ko na siya nilingon at nagmamadali akong naglakad patungo sa library. Habang patungo ako ng silid aklatan, may biglang humarang sa akin.
Na naman??
Iniangat ko ang aking mukha at inayos na naman ang aking salamin.
"Juskolord!! Ikaw na naman?"
Yes, si Lalaking all black na naman.
"Doon ka lang kanina ah! Tapos ngayon nandito ka na. Ano ka? Si The Flash?"
Anong nilalang ba ang lalaking ito? Ang bilis niya naman.
"Twilight lang? Si Edward ka ba?" Dagdag ko pa.
Kumunot lang ang noo niya sa aking sinabi.
"I want to protect you."
Ano daw?
"Protect? Ikaw? Protektahan ako? Aba! Lakas rin ng trip mo ah! Wala akong may ipapasahod sa'yo, saka hello... 'di kita kilala." Inismiran ko ito.
'Di ko kailangan ng taga protekta. At hindi ko kailangan ng taga bantay.
"Just allowed me to do this, Lady."
"Mr. Men in black hindi Lady ang pangalan ko. Rose, Rose Alba."
Hindi ko alam kong bakit biglang lumapit sa'kin ang lalaking 'to.
"I'm Hugo,"
Bakit naman siya nagpapakilala sa'kin?
"Mister, hindi mo kailangan magpakilala sa'kin."
"Then, why are you introduce yourself to me? Do you think I'm interesting too?"
Aba! Malupit ka pa sa malupit.
"H'wag mo nga akong englisin. Nakaka-dugo ka ng ilong alam mo ba iyon? Sinabi ko lang naman sa'yo ang pangalan ko dahil tinawag mo akong Lady."
"Anong gusto mong itawag ko sa'yo? Nerd? Geek?"
Ayun! Marunong naman pala magtagalog.
"H'wag mo akong sundan, Black. Hindi mo ako responsibelidad."
At saka ko siya iniwan. Patuloy ang paglalakad ko ng biglang may tumawag sa akin.
"Neeerd!!!"
At hindi kaagsd ako nakakilos dahil sa mabilis na pangyayari.
Subalit...
Hugo's POV
What the hell?! Why she's doing this at all? And why she's wearing a nerd disguise? What's her purpose?
Mabilis ako kumilos ng may bola ng baseball ang papalapit at tatama sa kanya.
"Neeerd!!!"
Sigaw ng isang lalaki at napako ang paningin ni Rose doon. Sadyang 'di siya maka-kilos dahil sa mabilis na pangyayari. Subalit kung hindi dahil sa akin mabilis pa ako sa mabilis. Agad ko siyang kinobrehan ng aking katawan at agad sinalo ang bola ng base.
Kumalas ako sa pagkakakobre sa kanya. Nangingig ang buo niyang katawan.
"Are you okay? Nasaktan ka ba?" kahit wala naman ay nagtanong pa rin ako.
Nilingon ko kung sino ang tumapon ng bola.
Isang lalaking naka; brown leather jacket, black pant's, at naka-bungisngis.
What the!
Kakaumpisa pa lang ng kwento ganito na 'agad ang mangyayari?
Humarap ako sa kanila at walang ganang tinapon pabalik ang bola.
"Nice catcher." Sigaw ng lalaki at ikinaway ang kamay sa ere.
Biglang uminit ang ulo ko sa ginawa niya. Alam kong sa mga oras na ito namumula ang aking mata.
Gusto ko siyang patayin gamit ng aking mga mata. Subalit, hindi pwede.
Pilit ko na naman pakalmahin ang sistema ng katawan ko.
"A-ayos ka lang?" biglang salita sa aking likuran.
Tumingala ako at ipinikit ang aking mata.
"I'm okay." Maiksi kong sagot at naglakad papalayo sa kanya.
"Hugo? Sandali!" napahinto ako ng bigla niya akong tawagin.
"Salamat," Wika niya, biglang sumulpot sa aking harapan.
Magtago ka man sa werdo mong salamin, kilala pa rin kita. Noon pa.
Hindi kita pwedeng pabayaan. Simula pa noon ikaw na ang target ng angkan ko. Pero 'di ka nila basta-bastang makukuha dahil andiyan rin ako palagi na nagbabantay sa'yo.
Ano bang meron sa'yo?
Ang berhen mong katawan.
"I'll go ahead, and next time mag-iingat ka." Salita ko sa kanya.
Napakagat labi siyang tumango at tinikuran niya na ako.
Sinundan ko siya ng aking tingin hanggang sa nawala na naman siya sa aking paningin.
Malayo man ako sa'yo ay ramdam ko ang panganib sa iyo. Kaya kahit anong layo mo agad akong darating para iligtas ka.
Kinagabihan ay umuwi na ako ng mansyon pero bago pa man ako umuwi sinundan ko si Rose ng palihim pauwi sa kanilang bahay.
Pagdating ng mansyon ay hindi na ako nag dalawang isip na pumasok agad sa kwarto.
"Hugo."
Diretso lang ako sa aking kama.
"Kumusta ang alaga mo?" napa-tingin ako sa kanya.
"She's fine"
"At kailan mo naman siya isu-surender sa amin?" kumunot ang noo ko sabay yukom ng aking kamao. Wala pang tatlong segundo ay nakalapit na ako sa kanya at sumalpak ito sa pader ng aking kwarto.
"H'wag siya! Kung ayaw niyong ako ang makakaalaban ninyo. Humanap kayo ng ibang katawan na pwede n'yong gawing laruan." Iniangat ko siya sa ere at agad ito nagpupumiglas.
Binitiwan ko siya.
Napaubo pa ito dahil sa higpit ng pagkakasakal ko sa kanya.
"Punyeta!! Papatayin mo ba ako?!" Sighal sa akin.
"Oo, kung ipagpipilitan ninyo pa ang gusto niyo. H'wag si Rose."
Bakit sa dinami-rami siya pa? Hindi ko makuha ang gusto nilang sabihin sa'kin. Oo, berheng katawan ang kailangan nila kay Rose, pero maliban pa doon ay may isang rason pa. The woman I kept from then until now is the woman my family wants, because, Rose is not just about them. Even to me she was different. I just calm down my system so that I can't hurt or scratch her at all.