Excited - - Pagkatapos kong ayusin ang iilang gamit ay nagpasya akong lumabas para kumain. Malapit lang ang restaurant at pwede mong lakarin ito. Dala ko si squishy at nilagay ko sa bulsa ng suot kong short. Hapon na at medyo madilim na ang langit. Pero marami namang ilaw sa paligid. - "Its like christmas everywhere here squishy," saad ko at tipik kay squishy na nasa bulsa. "Good evening po, Miss Skye," ngiting bati sa akin ng isa sa mga staff sa loob ng restaurant, at ngumiti rin ako sa kanya. "Miss Skye dito po tayo." "Okay," sabay sunod ko sa kanya. - Nagtaka pa ako. Nilampasan kasi namin ang iilang bakanteng mesa na meron dito. Umakyat kami sa ikalawang palapag hanggang sa pangatlo. Hiningal tuloy ako. Wala kasing elevator dito. Pero namangha ako nang makita ang buong tanawi

