"Stop it Kit!", sigaw ko habang inaalalayan ako tumayo ni Mikko. Nakuha ko naman ang atensyo ni Kit. "Tama na please.", pilit kong pinipigilan ang paggaralgal ng boses ko habang nagsisimula ang pagpatak ng mga luhang di ko na magawang pigilin pa. "Kyla, you're bleeding.", alalang sabi ni Kit. Nalalasahan ko ang dugo sa bibig ko, malamang dumudugo ang ilong ko sa sampal ni Yuhan na tumama sa bandang ilong. "I'm ok.", nilingon ko si JJ sa nakahawak pa rin kay Kit. "JJ, i'm really sorry for the trouble.", matatag ang aking boses pero kabaligtaran ang sinasabi ng lumuluha kong mata. "Wag mo isipin yon. Mikko, samahan mo si Kyla may first aid kit sa banyo sa kuwarto ko.", utos ni JJ. Umiling ako. "Wag na Mikko, ok lang ako.", nilingon ko si Yuhan. Wala na akong pakialam kung makita ng la

