"Anong BDO?", tanong ko sa dalawa. "Hihi, we find ways!", sagot ni Neil. "Lakas maka-Xian lim no?" "Oo tol, sige na Kyla pagbutihin mo ang pagkain diyan. Wag kang mawawala bukas ha? Magagalit ako sa'yo. Pupunta lang kami ng gym.", paalam ni JJ. Tumango lang ako, at pinanood ang dalawa na umalis. Napabuntong hininga na lang ako. Mag-isa na naman ako. Nakaramdam na naman ako ng lungkot. Sana maayos na ang lahat bukas. Maaga ako nagising ng hapong iyon. Kailangan ko maghanda para sa party ni JJ mamaya. Ilang beses ko ding prinaktis sa ulo ko ang gagawing pagkausap kay Yuhan. Hindi ko na dapat patagalin pa ang tampuhan namin na 'to ayaw kong lumala pa ang mga bagay-bagay, mabuti na yung magkalinawan kami. Lahat ng alam kong makakapagpa-ganda sa akin ay ginawa ko. Vain na kung vain basta a

