Chapter 4

1780 Words
Aira's POV Masaya akong pumasok ng University, fresh at yummy. Choss! Hahaha. Nasira lang ang ngite ko ng makita ko si Lush. As expected, may bago na agad siyang nilalande. Ibinalik ko kahapon ang wallet niya at nakipag break na rin ako. Tinatanong niya kung bakit ako nakipag break pero hindi ko siya sinasagot. Mamatay siya sa kakaisip! Naalala ko pa kung ano ang sinabi niya sa akin nang talikuran ko siya. 'Akala mo naman kung sinong maganda! Kung iniisip mong maghahabol ako, wag ka ng umasa!' sigaw niya na nagpatigil sa akin. Marami rin ang nakarinig sa sinabi niya dahil nandito kami ngayon sa canteen. Sinabi ko sa kanya na dito kami magkita. Hindi ako nakapagpigil kaya nilingon ko siya. "Pakyu! Ang liit naman ng t*t* mo akala mo kung sino ka umasta!" sigaw ko. Bigla naman siyang natulala at parang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa kahihiyan. Ang ending, pinagtawanan siya ng mga estudyanteng nakarinig sa sinabi ko. Pagkatapos nun ay dire-diretso na akong umalis. Wala na akong balak makipag usap pa sa kanya. Dumiretso nalang ako sa paglalakad at hindi na siya pinansin kahit narinig ko na tinawag niya ang pangalan ko. You fooled me once, shame on me. But you're not fooling me twice. Pumasok na ako sa classroom, nakita kong nagkukumpulan ang mga kaibigan ko sa dulo. Nang makita nila ako ay ngumiti sila na ginantihan ko rin ng ngiti. Naging kaibigan ko sila simula noong maging mag kakablockmate kami. HRM kami, sina Zarina naman at Chloe ay parehong Business add. ang kinuha. "Kamusta naman ang pag sha-shampoo?" hirit ni Dewey nang makaupo na ako sa tabi niya. Natawa naman si Gliss at Glimmer. "Mga bruha kayo! Pag ako talaga nanalo sa raffle, manigas kayo sa inggit." nagtawanan naman ulit sila dahil confident na confident ako na mananalo ako sa pa-raffle. Natawa nalang din tuloy ako sa sinabi ko. "Tama nga si Zarina at Chloe. Hibang ka na nga talaga girl. Baka naman magbigti ka pag nagkajowa si papa Axcel?" biro ni Glimmer. "Paano nalang si papa Lush kapag nag bigti siya diba?" tanong naman ni Gliss at lahat sila napatingin sa akin. "After what happened last day, parang bigla akong nagka-amnesia. Sino ba yung Lush na 'yan?" birong tanong ko na ikinatawa nila. "Ayt! Ang bitter ni girl." natawa naman kami dahil sa sinabi ni Dewey. Ilang minuto rin kaming nagtawanan at nahinto lamang noong dumating ang prof namin. "Good morning, class!" _____________ Axcel's POV Mag a-alas dos na ng hapon nang magising ako. Hindi ko magawang matulog dahil sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay nakikita ko yung babae na basang-basa ng ulan. Yung babae sa concert namin na nadaanan ng kotse namin at nakatitigan ko. Para akong inaatake ng insomnia dahil sa kanya. Yung mga ngiti niya! 'yon ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog. Ewan ko ba kung anong nangyayari sa akin. Hindi naman ako dating ganito. Simula lang noong makita ko siya, yung mga ngiti niya. Para na akong mababaliw. Bumangon na ako sa kama pagkatapos ay pumasok sa loob ng bathroom para maligo. Gusto ko pang matulog pero hindi puwede dahil may recording kami mamayang alas kuwatro. Nang matapos ay lumabas na ako at nagbihis. Hindi ako kasing tangkad ng mga kapatid ko. Six flat lang ako pero alam ko na mas guwapo ako sa kanila. Half-spanish, half-pilipino kami. Yung daddy namin ang spanish at yung mommy namin ang pilipino. Maputi, matangos ang ilong at mapula ang maninipis na labi, 'yan ang ilan lang sa mga katangian ko. Ako rin ang bunso sa aming magkakapatid. At kapag bunso, syempre spoiled. The privilege is mine! Ha! Ha! Pagdating ko sa sala ay nakita ko si kuya Dhale na nakaupo sa sofa at busy sa pag tipa sa laptop. Well, ganyan na talaga siya. Laging busy sa harap ng computer or sa laptop niya. Isa siya sa pinakamagaling na IT sa East and Asia. Lahat kaya niyang alamin throughout his laptop and computer. "Usap-usapan pa rin ang successful concert niyo until now. Two days na pero hindi pa rin sila maka-get over." Pambati ni kuya na binigyan ko lang ng isang tipid na ngite. Dahil na rin siguro sa wala akong matinong tulog kaya wala rin ako sa mood makipag usap. Umupo ako sa tapat niya at ginawang kumportable ang pagkakaupo ko sa sofa. Inikot niya ang laptop niya paharap sa akin bago siya tumayo at naglakad patungo sa kusina. Nakita ko sa laptop niya ang picture ko sa concert nang lumapit ako sa mga fans na nasa harap ng stage, pero iba ang nakaagaw ng buong atensiyon ko. Yung babae sa gilid ko na may malawak na ngite sa labi. Parang biglang bumalik ang naramdaman ko noon nang una ko siyang makita sa labas ng kotse. Para akong na estatwa sa kinauupuan ko at ang puso ko ay parang mga nagkakarerang kabayo sa sobrang bilis ng t***k. Inilapit ko ang hintuturo ko sa mukha niya sa screen at dinama ito. 'Ano ba'ng meron sayo? Bakit ako nagkakaganito?' Pagkabalik ni kuya Dhale ay may dala na siyang cookies at juice. Ang paborito niyang cookies. Naalala ko pa yung sinabi niya noon, 'Pag nawalan ng cookies sa mundo, mamamatay ako.' seryoso siya nang sabihin niya 'yon. Kaya dito sa bahay ay hindi nawawalan ng cookies, kung hindi yung naka pack ay yung mga ingredients ang hindi mawawala. Gagawa at gagawa siya ng paraan para makakain siya ng minamahal niyang cookies. Natigil ako sa pagtitig sa kanya at muling ibinaling ang atensyon ko sa laptop niya. "Anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang itsura mo? Para kang nakakita ng multo." takang tanong ni kuya saka siya umupo sa dati niyang upuan. "Kuya, can you do me a favor?" tanong ko nang hindi nag aangat ng tingin sa kanya. "Minsan nagtataka na talaga ako sayo, Axcel. Sa'kin ka lagi nanghihingi ng pabor, hindi ka pa ba nagsasawa? Nandiyan naman sina Yul at kuya Zoren." natatawa nitong tugon pero bakas sa tinig ang pagkainis. "Okay lang 'yan, mahal naman kita eh." "Yack! Tigilan mo nga ako Axcel. Kinikilabutan ako sayo." nag angat ako nang tingin sa kanya at bakas sa mukha niya ang pandidiri. Napangite nalang ako at napailing-iling. "Hanapin mo lang 'to oh." turo ko sa babae sa laptop niya at hinarap ito sa kanya. "Magaling ka naman diyan eh." pambobola ko pa. "Sino ba diyan?" tanong ni kuya na nakatitig na ngayon sa laptop. Tinuro ko naman sa kanya yung babae na wagas kung ngumiti. "Bakit mo pinapahanap? Anong meron? Kakilala mo?" sunod-sunod niyang tanong. "First, gusto ko siyang makilala. Second, wala naman, gusto ko lang. Third, hindi ko siya kilala." sagot ko dito at tinitigan niya lang ako habang unti-unting sumisilay ang ngite sa kanyang labi. "Gusto mo lang o gusto mo siya?" diretso niyang tanong na nagpawindang sa akin. "No!" mabilis kong sagot. Natawa naman siya dahil sa naging reaksiyon ko. "Okay-okay, nagtatanong lang ako, hindi mo kailangan sumigaw." taas kamay niyang sagot na tila suko na siya pero ang ngite niya ay nangaasar pa rin. "Stop being stupid, kuya! Fan ko 'yan at gusto ko lang siya pasalamatan." pagsisinungaling ko. Muli naman akong tinitigan ni kuya at iiling-iling habang nakangiti. Tila hindi convince sa sinabi ko. "It's very unusual, ngayon ka lang nagpahanap ng information about sa fan mo." muli na siyang humarap sa laptop niya at nagtipa ng kung ano-ano. "Okay, ako na ang bahala. Basta sa kasal ako ang bestman ah." biro niya pa. "Kuya!" sigaw ko na tinawanan niya lang. _____________ Tinap ako ni Hyujin sa likod nang marinig nila ang bago naming recording. "Ang cool! Ganda ng pasok mo." puri niya sa akin. Inakbayan naman ako ni Casper. "Wala, talo tayo dito. Iba talaga pag inspired kay Casie." iiling-iling na banat niya. Casie? Casie Mendes? Yung self-proclaimed na girlfriend ko raw? Well, maganda naman siya. Pero hindi siya ang tipo ko. Masyado siyang maharot at sobrang taas ng tingin niya sa sarili niya. "Tss, asa. Tigilan niyo ako at ang lovelife ko." supladong sagot ko at natawa naman sila. "Wala ka namang magagawa eh. Sa ayaw at sa gusto mo, hanggat wala kang ipinapakilala sa publiko na girlfriend mo ay mananatiling nakakabit sa pangalan mo si Casie." nilingon ko naman si Dylan na seryosong naglalagay ng gamit niya sa bag. "Ano ba'ng ayaw mo dun? Maganda naman, sexy, magaling na actress at," nilabas niya ang dila niya at binasa ang pangibabang labi pagkatapos ay kinagat ito. Nandiri naman ako dahil sa ginawa niya. "Yack! Manyak! Yung totoo? Diretsuhin mo nalang kasi, maganda o masarap?" tanong ko pa. "Pareho!" sabay-sabay nilang sagot at nagtawanan. Hinayaan ko nalang sila sa kung ano ang trip nila at inabala na rin ang sarili ko sa pagaayos ng gamit ko. Maya-maya pa ay biglang nag ring ang cellphone ko. Lumabas ako ng recording room at agad ko naman itong sinagot nangmakita na si kuya Dhale ang tumatawag. "Hello kuya, bakit?" agad kong tanong, hindi ko alam pero bigla nalang bumilis ang t***k ng puso ko. May maganda akong nararamdaman sa sasabihin niya sa akin. "Aira, Ma. Aira Algarve ang pangalan niya." sagot ni kuya. Napangiti naman ako dahil tama ang hinala ko. Ma. Aira Algarve Ang gandang pangalan. Ano nga ba'ng meron sa kanya, bakit natutuwa ako ng ganito? "Sige kuya, salamat!" "Send ko nalang sa email mo yung ibang infos. 'Ge, bye." pagkatapos ko magpasalamat ay pinutol na agad ni kuya ang linya. "Axcel," muntik naman akong atakihin sa puso ng magsalita ang manager namin na katabi ko pala. "Jusqo, tita! Aatakihin ako sa puso dahil sayo." reklamo ko, nginitian niya lang ako at umiling-iling. "Bawas-bawasan mo na ang pagkakape, makakasama sa'yo 'yan." payo nito at tumango-tango lang ako. Masarap magkape, hindi ko mapigilan kaya kung minsan nakakalimang tasa ako ng kape sa isang araw. Siguro nga kailangan ko na talaga pigilan ang sarili ko bago pa 'to ang maging dahilan ng kamatayan ko. "Gusto ko lang ipaalala na next week na sasabihin kung sino ang winner sa raffle. Be ready, and also, gustong marinig ni Mr. Frederick ang new record niyo." Marami pa siyang sinabi pero hindi ko na naintindihan dahil pumasok nanaman sa isip ko si Aira. Pinasok niya nanaman ang isip ko, at tulad nang una ko siyang makita, hindi nanaman mawala ang itsura niya sa paningin ko. Parang mas gusto ko nalang siya makita kesa ang magbakasyon. Nabalik lang ako sa reyalidad nang tapikin ako sa balikat ng manager namin. "Nababaliw ka na." Nababaliw na nga siguro ako, nababaliw kay Aira.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD