Kyla's POV NAPANSIN KO ang pag-ilaw ng phone ko sa lamesa. Lumitaw ang isang mensahe mula kay Kit. Napa-buntong hininga ako ng mabasa ang pangalan ni Kit. Ilang araw ko na ring hindi sinasagot ang mga tawag at text niya. Mula nung bisitahin niya ako sa bahay matapos ang birthday ni JJ ay hindi pa kami uli nagkita. Tumawag pa siya sa akin nung araw na pabalik na siya ng Ilo-ilo. Mula noon ay halos gabi-gabi kaming magkausap o di kaya ay magka-text sa cellphone. Lumipas ang dalawang linggo at mukhang wala pa rin siyang balak na bumalik. Dahil doon ay di ko mapigilan ang magtampo dahil may binitiwan siyang pangako sa akin. Alam kong mali na mag-demand ako ng oras sa kanya kahit wala naman siyang obligasyon sa akin. Siguro na-frustrate lang ako na hindi ko siya makasama sa mga panahon na kai

