Shhh... 19

2095 Words
“Magaling, Princess. Ngayon, napatunayan mo na talagang karapat-dapat ka sa grupo,” pabulong na saad ni Mika nang makalapit ang dalawa sa kanila. Hindi naman umimik ang huli. Hindi na niya alam ang nararamdaman kung matutuwa ba siya dahil mapapasali na siya o dahil alam niyang maaaring ikapahamak ni Madelyn ang pagdadala niya sa lugar na iyon. Matagal nang gustong sumali ni Princess sa grupo nila Mika, subalit, pinagkakaisahan lang siya ng mga ito. Hindi siya ganoon kayaman at sa katulad niyang teenager na hindi naranasan ang mga nagaggawa nila Mika, nais niyang magkaroon ng mga kaibigang gaya nila; magaganda, sikat, at ang mga gamit ng mga ito ay hindi niya kayang bilhin. Oo, isa siyang social climber. Pinangarap niyang maging kaisa nila. Nakapasok lang naman siya sa private school na iyon dahil isa siya sa scholar na napili dahil ang amang namayapa ay dating Accountant sa school na iyon at nabigyan sila ng magkapatid ng pribilehiyo na maging scholar ng foundation kahit pa hindi ganoon kataas ang grado nila. Hanggang kolehiyo iyon. At kanina nga, matapos ang isang linggong pagsunod-sunod sa grupo nito at paminsan-minsang pag-uutos, kinausap siya ni Mika na isa na lang at pasa na siya para maging kaisa ng grupo. Natuwa siya nang sobra at sa wakas napansin na rin siya ng mga ito. Akala nga niya, wala na naman at pagtitripan lang siya ng mga ito. At si Madelyn ang huling alas niya. Kaninang natutulog ito, tinabihan niya ito sa upuan at nang dumating ang mga guro, tinakpan niya nang bahagya si Madelyn. Buti na lang at naka-earphone ito na kahit maingay ang paligid, hindi ito magigising. At mukhang puyat na puyat naman ang dalagita. Ang gagawin lang naman niya ay dalhin si Madelyn sa lumang bodega na pag-aari nila Mika. Dati iyung imbakan ng mga palay at bigas. Hindi na naasikaso dahil tumutok ang magulang ni Mika sa ibang business ng mga ito. Halos tatlong taon na ring nakatiwangwang iyon at wala namang balak ibenta ang lupain kung saan iyon nakatayo. Hindi palang siguro nabibigyan nang pansin sa ngayon. At sa utos ni Mikad, dito nga dinala ni Princess si Madelyn. Bagamat nagtataka ang huli dahil bukod sa maputik ang daan patungo roon ay masukal pa. Hindi na lang umimik si Madelyn. Hanggang sumapit nga sila sa bulok na bodega at nakita niya ang grupo nila Mika. Marahil ay dito nga nakatira si Mam Peralta dahil narito sila. May dalawang lampara siyang nakikita na habang palapit ay nakilala niyang si Yam at Jenica ang may mga hawak. Maliwanag ang buwan kaya kahit paano kita niya ang mga itsura ng mga ito. Lalo na ang mga mukha nila; galit.  “Dumating ka rin sa wakas. Kanina ka pa hinihintay ni Ma’m. Pasok ka na,” magkasalikop ang mga braso sa harapang saad ni Mika. Ang ibang alipores naman nito ay nasa gilid lang nito pero mga nang-uuyam ang mga tingin. Lima silang lahat, pang-anim si Mika. Wala sa paligid si Kit na palagiang kasama ng mga ito kapag may lakad ang grupo. “Bakit nasa… nasa labas kayo? At…” sinilip-silip ni Madelyn ang kabuuan ng bahay, kung bahay nga bang matatawag iyon. Sobrang dilim at mukhang giray na at ilang hangin na lang matutumba na iyon. “…mukhang wala namang tao sa loob.” Maaga pa kaya imposibleng kung may tao nga roon ay patay na agad ang mga ilaw. Sabi nga ni Princess kanina, alas otso pa lang ng gabi. At mahigit trenta minutos ang nagugol nila sa pagpunta roon. Kung tutuusin, maaga pa. “Ikaw lang naman ang kailangan ni Ma’m, kaya ikaw lang. Bilisan mo na nga at kanina pa kami nilalamok dito.” May inis na sa tinig ni Hazel habang nagpapagpag ng mga braso at binti. “Pero…” Nanatili lang sa kinatatayuan si Madelyn at walang balak na pumasok sa loob. Kinakabahan siya sa maaaring mangyari. Subalit, agad siyang hinila ni Mika at itinutulak patungong pintuan ng bodega. Walang nagawa si Madelyn kung hindi ang magpaubaya. Marami sila at kung papalag siya, malamang ay hindi niya rin kakayanin. Pasimpleng kinakapa niya ang cellphone sa suot na bulsa ng palda, subalit napapalatak siya ng lihim dahil lowbat na nga pala iyon. Wala ring silbi. Itinulak ni Mika pabukas ang pintuan, halos kasabay nang pagtulak sa kaniya papasok. Kasunod niya sina Yam at Jenica na may dalang mga gasera. Basta na lang nila iyon inilapag sa lamesang naroon. Parang nandidiring nagpagpag pa ng mga kamay ang mga ito. Bagamat may mga gaserang di naman kalakihan, may kadiliman pa rin sa loob, mabaho rin ang amoy sa paligid. Isang buong bahay lang iyon at walang mga bintana. Kung susumahin, mga dalawampung dipa lang niya ang haba magkabilaan. May naririnig pa siyang mga daga at kung ano-ano pang mga insektong hindi niya alam ang naroroon. Aninag niya rin ang ilang mga sakong nakatambak kung saan-saan na hindi niya alam kung ano ang mga laman. Isang pagtulak pa ng kung sino at tuluyang nadapa si Madelyn. Buti na lang at may hawak siyang mga libro kaya iyon ang tumama sa lapag. Pinilit niyang tumayo subalit isang pagsipa ang tuluyang nakapagpaupo sa kaniya. Agad na tinutukan siya ni Kaye nang flashlight gamit ang cellphone nito. Nasilaw si Madelyn kaya agad niyang naitakip ang kanang braso sa ibabaw ng noo, subalit nagsigaya ang iba pang kasama ni Mika. Lahat sila gumamit ng flashlight ng kani-kanilang cellphone at itinutok sa dalagita. Silaw na silaw si Madelyn pero imbis na maawa sa kaniya ang mga ito, nagtatawanan pa sila at walang pakialam na may ilang sumipa-sipa pa. Napapaigik na sa sakit si Madelyn subalit walang nais na tumigil. May mga naririnig pa siyang mura, pangit, at loser patungkol sa kaniya. “Ano bang kailangan n’yo sa akin? Wala naman akong ginagawang masama…” Bagama’t nasasaktan na, hindi ipinapakita ni Madelyn na mahina siya. Ni hindi niya magawang lumuha. Ramdam man niya ang sakit ng mga sipa ng mga ito, nanatili siyang matigas. Dahil alam niya kapag ipinakita niyang nasasaktan siya, lalo lang siyang aapihin ng mga ito. Lalo na si Mika. “Gaga ka ba!? Alam mo bang ikaw ang magiging dahilan kung bakit hindi kami makakapasa? Ha! Ha!” At gigil na gigil na sinabunutan ni Mika si Madelyn. Imbis na umawat, lalo pang tinudyo ng mga ito si Mika na saktan ito ng saktan. Marami siyang naririnig na paulit-ulit na nagmumura, habang nagtatawanan ay nagagalit naman ang mga iyon. Pinapalibutan siya ng mga ito habang nakatutok pa rin ang mga kaniya-kaniyang cellphone. Kasabay nang pagsakit sa ulo sanhi nang pagsabunot ni Mika ay ang kaniyang mga mata. Nasisilaw siya sa liwanag na dala ng mga hawak ng mga ito. Binuksan ni Hazel ang camera ng cellphone at binalak na videohan ang mga pangyayari, subalit agad na tinabig iyon ni Mika. Sa sobrang lakas, hindi niya nakita kung saan iyon tumalsik. “Tanga ka ba? Ano?! Gagawa ka pa ng ebidensiya sa ginagawa natin sa freak na ‘to? Walang magbi-video!” Dumadagundong ang boses ni Mika sa paligid. Walang nagawa si Hazel kung hindi tahimik na hanapin ang cellphone. Nakangiting iniabot naman ni Kaye ang naapakang libro. Isa marahil ito sa mga tumalsik sa hawak ni Madelyn. Naghahanap kasi siya nang bagay na puwedeng ipanghampas sa babae. Tinutukan niya ito nang ilaw gamit ang cellphone na hawak. Ang malawak na ngiti ay napalitan nang galit nang makilala kung ano iyon. Ito ang librong magiging sanhi ng kanilang hindi pagkapasa. Napansin ni Mika ang hawak ni Kaye, kaya siya na mismo ang nag-abot dito. Nakilala niya rin ang libro sa tulong ng liwanag mula sa gasera kaya mas lalong umigting ang galit niya sa babaeng nakasalampak sa sahig. “Sa tingin mo ba, tatanggapin pa ni ma’m itong basurang ito? Buwisit ka!” At isang malakas na hampas ang ginawa niya sa ulo ni Madelyn gamit ang libro. Dalawang kamay ang ginamit niya at malakas na puwersa pa. Kahit na may kalumaan iyon, may kakapalan naman kaya sumakit ang tuktok ng ulo ni Madelyn. Sumabay na rin ang ilan na ang mga tangang bag ang ginamit. Salit-salitan o kung minsan nagsasabay-sabay pa sila sa paghampas sa ulo at kung saan man tamaan ang kawawang dalagita. Walang nais na tumigil kahit na sumisigaw na si Madelyn ng tama na. Nakapatong ang dalawang braso niya sa ibabaw ng kaniyang ulo, umiiyak, nagmamakaawa. Naghahalo na ang luha at sipon niya sa mukha subalit wala siyang balak na punasan iyon. Dahil para sa kaniya ang sandaling pagpunas ng mga ito ay ang mas malalakas na palo sa kaniyang ulo na pilit pinoprotektahan ng mga braso. Ramdam na pati niya ang sakit ng katawan lalo na ang parte ng kaniyang bumbunan. Dahilan para maisip niyang kailangan niyang maging matatag at hindi maging kawawa. Dahil kapag hindi, siguradong mas lalo siyang sasaktan ng mga ito. Matututuwa silang makita siyang nanghihina at nagmamakaawa. And worse, baka hindi na siya buhayin pa ng mga ito. Sa itsura palang nila na galit na galit, paniguradong kaya nilang gawin iyon. Parang hindi siya sasantuhin ng mga ito.  Unti-unting namanhid ang kaniyang pakiramdam at dahil doon, tumigil na rin siya sa pag-iyak. Paunti-unti na rin ang pagsinghot-singhot na ginagawa nya. Ibinaba na niya ang parehong braso at hinayaan na lang ang mga ito. Matumba-tumba na siya subalit tinatagan niya ang pagkakaupo. Isang malakas na hampas sa mukha ang tuluyang nakapagpatumbang pahiga sa kaniya. Muntik nang tumama ang ulo niya sa sahig buti na lang at agad niyang naitukod ang dalawang siko bago siya tuluyang mapahiga. Ramdam niya ang hapdi sa mga siko subalit wala na siyang pakialam at agad na bumalik sa pagkakaupo sa gitna nilang lahat. Kasabay nang pagtulo ng dugo sa kaniyang palda ay ang paghadpi ng kaniyang ilong. Mukhang doon siya napuruhan noong hinampas siya sa mukha. Hindi naman niya pinagkaabalahang punasan iyon. Hinayaan niya lang na umagos na parang luha sa kaniyang kanang butas na ilong. Hindi na nakatiis si Princess na kanina pa nakatingin lang sa mga pinaggagawa kay Madelyn ng grupo ni Mika. Kanina pa siya kinakabahan sa maaaring gawin ng mga ito. Kahit pa nais niyang mapabilang sa mga ito, hindi naman niya nais na may isang masaktan dahil sa kanila or sa tingin nga niya ay mas malala pa ang mangyari. “A, Mika… pu-puwede bang tigilan n’yo na kasi… ano… baka may makakita sa atin… dito.” Kinakabahan man, pilit na pinatatag ni Princess ang boses. Ilang beses pa siyang napalunok kaya putol-putol ang bawat salita niya sa mahinang boses pa. Hindi nga niya alam kung narinig siya ng mga ito. Pero malamang ay hindi dahil patuloy lang sila sa p*******t kay Madelyn na nanatiling nakasalampak sa sahig at tila bang hinahayaan na lang sila na saktan siya. Hindi na niya naririnig ang pagpigil nito sa kanila at nakatingin na lang sa kawalan; tulala. Unti-unting nagsipagtigil ang mga ito. Marahil ang ilan ay napagod o nangalay sa paghampas kay Madelyn. Walang reaksiyon na nanatili sa kinalalagyan ang huli. Bagamat hindi ganoon kaliwanag dahil sa dalawang gasera at ilang flashlight na lang ang bukas, kita niya ang hindi na paggalaw ni Madelyn. Ni ang paghinga ata ay hindi na nito nagagawa pa. Sabo gang buhok nito at nakalilis na ang palda. Pati ang uniform nito ay may punit na rin, marahil dala ng ilan na hinihila-hila ito. Naawa man sa kalagayan ng dalagita, nanatiling nakatayo lang si Princess at nakatingin sa mga ito. “Well, siguro naman magtatanda na ‘yang babaeng ‘yan,” nakaismid na turan ni Kaye. Dinuraan niya pa si Madelyn na hindi man lang umiwas. “Hindi. Kulang pa ‘yan,” ani Mika na malapad na ngumiti at tila ba ay may naiisip na mas malala para sa babaeng kinaiinisan. “Bakit, Mika? Papatayin ba natin itong ulikbang pangit na ito?” At malakas na tumawa ang ilan sa sinabing iyon ni Yam. Unti-unting nawala lang ang mga tawa nila nang nanatiling nakangiti si Mika at nakataas pa ang kaliwang kilay nito. “Ano? Excuse me, wala sa usapan natin…” isang matalim na sulyap ang nagpatigil kay Yam sa nais pa nitong pagtutol. Parang nais niyang magsisisi sa birong sinabi na binigyan niya pa ata ng ideya si Mika. “Oh no, no, Mika. We’re too young para pumatay and paano kapag may nakaalam?” Nahihintakutan si Jenica sa isiping papatayin nila si Madelyn. Ano na lang sasabihin ng pamilya nila kapag nalaman ito? Siguradong makukulong sila! Bagamat mga minor silang lahat, pagdating ng tamang edad panigurado iyon. Silang lahat! Shhh... Don't tell your ending jhavril
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD