Inalalayan nang ina ni Princess ang dalaga hanggang makapasok sa sariling kuwarto. Tumango si Princess nang tanungin ng ina kung ayos lang siya. “Kaya ko naman po. Sige na po magpapahinga na po ako.” Tipid na ngumiti si Princess. Alanganing umalis ang ina ni Princess. Naninibago kasi siya anak. Isinasaisip na lang niya marahil dala iyon ng aksidente nito. Nang maisara ang pinto, marahang pinadaanan ng kanang kamay ni Princess ang kamang kinauupuan, bago tumayo. Balewalang tinanggal ang salamin sa mata at inilapag sa maliit na tokador na naroon. Bago tiningnan ang sariling repleksiyon sa salamin. Itinaas ang kamay at marahang hinaplos ang mukha, pinisil ang ilong at tumigil sa labi. Maya-maya pa, ngumiti nang malawak. At impit na tumawa. Tagumpay! Matapos na makuha ang libro kay J
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


