ZHOLA Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang mga ikinikilos ni Sebastian. Matagal na kaming magkaaway at halos patayin namin ang isa't isa sa tuwing nagku-cross ang landas naming dalawa pero bakit ngayon ay gusto n'yang makipagtulungan sa akin. He even save my life, may halo nga lang kamanyakan but he really did save me. Hmmm. Kinakabahan ako sa kanya. Gagawin n'ya ba akong pain sa mga kalaban? "Sebastian, ano ba!" reklamo ko sa kanya ng bigla n'yang higpitan ang pagkakayakap sa bewang ko. Iniharang ko ang kamay ko sa dibdib n'ya kaya hindi ako tuluyang sumubsob rito. Unfairness, hindi na ako nilalamig dahil sa posisyon namin ngayon pero dapat ba talagang gan'to kalapit ang katawan naming dalawa? Gusto ko pa rin s'yang sipain sa mukha. "Bakit ka pumunta rito sa teritoryo ni

